Ngayong Valentine’s day, maraming fans ang nagulat matapos mag-release ng music video si Moira. Sa bagong music video ng kanyang kantang “Paubaya,” lumabas rin ang dating celebrity couple na si Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang unang pagkakataon na naging magka-trabaho si Julia at Joshua simula ang hiwalayan nila noong 2019.
Sa music video, gumanap si Joshua at Julia bilang magkasintahan na hindi nagkatuluyan. Mukhang kinuha sa kanilang mga personal na karanasan ang mga kaganapan sa “Paubaya” music video. Isa sa mga pinakamemorable moment nila ay ang kanilang confrontation scene.

Ayon sa isang cast, ginanap ang madrama at nakakaluhang confrontation scene sa altar ng isang simbahan. Ngunit para masigurado na sincere ang mga dialogue, pinalabas lahat ng mga cast. Ang natira lamang sa loob ng simbahan ay si Julia, Joshua, Moira, ang cameraman at ang direktor.
“Para magka moment yung dalawa at magkaroon ng closure as in no script, or kung ano pa man. Just pure words of forgiveness and love. As in nakakaiyak sobra ng mapanood ko ito. Salamat sa lahat at naging bahagi ako ng music video na ito,” ayon kay Donald Lapez, na gumanap bilang pari sa video.

Sa 9:13 timestamp ng music video, narinig rin ang mahinang boses ni Julia na nagsabing, “Wag mo ko bitawan.” Mababakas ang lungkot sa mukha ni Julia, at naiiyak rin si Joshua habang magkaharap sila, ngunit sumagot ito ng “I have to.”
Maraming fans naman sa social media ang nalungkot dahil sa pagtatapos ng celebrity couple na ito. Taong 2019 nang aminin ni Joshua at Julia sa publiko na tuluyan na silang naghiwalay. Sa ngayon ay nali-link si Joshua sa aktor na si Gerald Anderson, na nakasama niya sa rom-com movie na “Between Maybe.”
Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment