Matapos ang apat na taong pagiging magkasintahan, noong November 2020 ay ikinasal na ang celebrity couple na si Alex Gonzaga at Mikee Morada. Inanunsyo ni Alex ang kanilang kasalan noong January, kasabay ang mga exclusive photos ng ceremony. Maraming netizens ang natuwa para sa bagong kasal, at excited na rin sila sa susunod na chapter sa buhay ni Alex at Mikee!
Ngayong mag-asawa na sila, malaya na ang dalawa na matulog sa iisang bubong, bagay na hindi pinapayagan ni Mommy Pinty dati. Aminado naman si Alex na aktibo ang kanilang love life, lalo pa’t tapos na rin ang kanilang honeymoon. Kamakailan lang ay nag-open up si Alex sa kanilang foursome vlog kasama si Toni G at asawa nitong si Direk Paul Soriano.

Matatandaang maraming netizens ang napa-react sa ‘naughty’ na wedding vows ni Alex at Mikee. Punong-puno ng pagmamahal at emosyon ang wedding vow ng councilor kay Alex.
Ngunit pagdating sa host, marami ang natawa dahil sa wedding vows ni Alex ay nagawa pa nitong magbiro tungkol sa wedding night nila:
“Tonight is the night when two become one. Sana, nakapag-prepare ka. Kasi talagang magkakalumpuhan tonight.” Ito ang sinabi ni Alex sa kanilang wedding vows, ngunit sa kanilang recent interview, umapela si Mikee na hindi naman daw ito nangyari. Ayon sa kanya, fake news daw ang claim na iyon ni Alex.

“Iyong mga ipinagmamalaki niyang lumpuhan, fake news! Hahaha!” Gayunpaman, aminado ang dalawa na malaya na silang gawin ang mga ginagawa ng mag-asawa. Sa katunayan, nagawa na raw nila ito sa kanilang honeymoon sa Amanpulo, Boracay, at kahit sa Cainta na bahay ng mga magulang ni Alex.
Maraming netizen naman ang nag-react sa ‘naughty’ na wedding vow ni Alex Gonzaga. Ayon sa iba, hindi daw nararapat ang ganitong klaseng biro sa kasal dahil isang solemn na ceremony ito.
Mayroon namang ibang fans ang natawa sa joke ni Alex at sinabing ganito naman daw talaga kung magsalita ang host, ngunit hindi nangangahulugan na hindi na nirerespeto ni Alex ang kanilang kasal.

Read also: Larawan ni Angel Locsin na Nagte-Taping sa Publiko, Umani ng Iba’t-Ibang Reaksyon sa Social Media
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment