May-Ari ng Aso, Kinilabutan Matapos Makita ang Kakaibang Itsura ng Tuta na Iisa Lamang ang Mata

Kilala ang mga cyclops bilang villain sa mga paborito nating fantasy na pelikula. Ngunit alam niyo ba na may mga cyclops talaga sa totoong buhay? Kamakailan lang ay nagulantang ang mga residente ng Barangay Tagas, Aklan matapos makita ang bagong-silang na tutang ito. Hindi sila makapaniwala sa kakaibang itsura ng naturang aso.

Isinilang ito na isa lamang ang mata at walang ilong. Ayon sa mga reports, nagulat na lamang ang may-ari ng aso nang makita nila na nagsilang ito ng kakaibang tuta.

Ayon sa may-ari na si Amie de Martin, isinilang ang tutang ito noong February 6, at agad nilang napansin ang kakaibang kondisyon nito.

Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Ang tuta ang ika-anim na inilabas ng aso nila na may lahing Japanese spitz. Maging ang mga kapitbahay nila ay nagulantang dahil ngayon lamang sila nakakita ng tuta na iisa lamang ang mata.

Ngunit hindi rin agad nagtagal ang buhay nito, dahil ilang oras lamang ang nakalipas ay pumanaw ang tuta dahil sa kondisyon nito.

Isa lamang ang mata nito na nasa gitna ng kanyang mukha. Kapansin-pansin rin na wala itong ilong, at may kalakihan ang bibig nito. Ayon naman sa may-ari ng tuta, plano nilang ipareserba ang katawan ng tuta na ito.

Ang Cyclopsia ay isang uri ng medical condition kung saan ipinapanganak ang tao o hayop ng isa lamang ang mata. Isa itong birth defect na nangyayari kapag naexpose ang nanay sa delikadong substance o gamot habang nagbubuntis.

Maaari ring na-expose sa toxin ang nanay. Kadalasan, walang ilong ang mga baby o hayop na isinisilang ng may Cyclopsia.

Dahil walang ilong ay sa bibig humihinga ang pasyente. Wala pang naitalang may Cyclopsia na nabuhay nang matagal. Kadalasan, ilang oras o araw lamang ang itinatagal nila bago tuluyang pumanaw. Ang kadalasang sanhi ng pagpanaw ay suffocation dahil nahihirapang makahinga ang pasyente.

Read also: China Roces, Ipinakilala na ang 14-Anyos na Anak na Matagal Itinago sa Publiko!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment