RR Enriquez, Halos Nalugi ng P6 Milyon Matapos Bumili ng Isang Truck na Milktea!

Kamakailan lang ay nag-open up ang dating dancer at aktres na si RR Enriquez tungkol sa kanyang mga kinakaharap ngayong pandemic. Sumikat si RR bilang talentadong dancer sa gameshow na “Wowowin,” ngunit ngayon ay isa na siyang successful businesswoman! Ngunit kahit gaano na kalayo ang narating niya ngayon, aminado si RR Enriquez na mayroon rin siyang mga bagay na pinagsisisihan pagdating sa kanyang negosyo.

Sa social media ay ibinahagi ni RR ang malaking pagkakamali na nagawa niya bago magkaroon ng pandemic nitong nakaraang taon.

Mahigit P6 milyon rin daw ang nalugi sa dating star matapos siyang bumili ng 50,000 stocks ng milktea! Ngunit hindi inaasahan ni RR na mauudlot ang mga plano niya dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic.

Read also: Rufa Mae Quinto, Ipinasilip ang Kanyang Bonggang Dream House na Naipatayo Niya sa Amerika!

 

“Wanna know a secret? Mistakes that I did as a business owner during this pandemic? Ok I ordered 50 thousand pieces of milk tea, which cost me P6 million pesos. Yet not bragging, I’m just being honest because I want to share with all of you the mistakes that I made during this pandemic. Para kapag naisipan nyong mag business, maiwasan nyo yung ganitong pagkakamali.

Noong una, inakala ni RR na papatok ng kanyang bagong milktea business. Sa kasamaang palad, hindi raw naging patok ang kanyang bagong business venture.

Ipinakita niya rin sa Instagram kung gaano karaming kahon na punong-puno ng milktea ang binili niya. Ayon kay RR, bumili siya ng 50,000 pcs dahil iniiwasan niyang maubusan ng stocks.

Sa kabilang banda, ayon kay RR ay mukhang mauubos naman daw ang mga stocks niya ng milktea, ngunit kailangan niya ng mahabang pasensya. Maaaring maibalik pa ang kanyang puhunan, ngunit aminado ang dating aktres na matagal pa ang gugugulin niyang panahon. Dahil sa kanyang karanasan, nakapulot rin ng importanteng aral si RR pagdating sa business.

Sa kabila ng lahat ay marami naman daw natutunan si RR sa kanyang karanasan. Nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga business owners, upang maiwasan nila ang pagkakamali na nagawa niya.

“Ayun lang po, just wanna share kasi ang dami nag message sa inyo na sobrang idolized nyo ko when it comes to business. Madami rin po akong maling nagagawa as a business owner. Importante ngayon alam ko na, alam nyo na rin so huwag nyo ako tularan sa ginawa ko na yun,” pahayag ni RR.

Read also: Mon Confiado, May Bagong Hollywood Film na Pagbibidahan Kasama ang Isang Italian Actress

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment