Dimples Romana, Maagang Sumabak sa Pag-Aartista Upang Maging Breadwinner ng Pamilya

Isa si Dimples Romana sa mga pinakakilalang aktres sa industriya ng showbiz. Ang 35-anyos na Kapamilya star ay kilala sa pagganap niya bilang kontrabida sa mga telenovelas. Ngunit alam niyo ba na sa totoong buhay ay malayong-malayo ang personalidad ni Dimples sa mga role na kanyang ginagampanan? Sa katunayan, kilala si Dimples sa pagiging mabait at responsableng anak.

Dose anyos pa lamang siya nang pasukin ni Dimples ang industriya ng showbiz. Maaga siyang naulila sa ama, kaya naman maaga ring namulat si Dimples sa realidad ng buhay.

Gusto niyang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang nanay, kaya naman kahit bata pa siya ay pinangarap na ni Dimples na magkaroon ng matagumpay na career bilang artista.

Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Sa kanyang maagang pagsabak sa showbiz ay unti-unting nakaipon si Dimples. Siya rin ang nagsilbing breadwinner ng pamilya niya, at sinusustentuhan niya ang pangangailangan ng nanay niya.

Ngunit hindi nagtagal at nakilala ni Boyet ang asawa niya, at sa edad na 19 ay nabuntis ito at nagpakasal sila.

Maaga ring nag-asawa si Dimples. 19-anyos pa lamang siya nang ikasal siya sa kanyang asawa na si Boyet. Ngunit kahit pa maaga siyang nagkapamilya, hindi tumigil si Dimples sa pagkayod upang masuportahan ang nanay niya. Nagbebenta rin siya ng mga bags at gumagawa ng alahas upang maibenta.

Sa tulong ng kanyang asawa, unti-unting nakabangon si Dimples. Tinulungan sila ng pamilya ng asawa niya na makabili ng kanilang unang bahay.

Dito na rin mas sinipag si Dimples na kumayod, upang masuklian ang kabaitan ng mga byenan niya. Ayon pa kay Dimples, kahit kailan ay hindi niya naisipang sumuko sa mga pangarap nya.

“You know that moment when you feel most afraid? That’s the magical moment. That’s when you know something good is going to happen. Hindi ka kasi makakaarte ng maayos kapag lagi kang takot. And that fear comes from uncertainty,” pahayag ni Dimples sa kanyang dating interview.

Read also: China Roces, Ipinakilala na ang 14-Anyos na Anak na Matagal Itinago sa Publiko!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment