Larawan ni Angel Locsin na Nagte-Taping sa Publiko, Umani ng Iba't-Ibang Reaksyon sa Social Media

Sabi nga nila, hindi nasusukat ang kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kahit pa gaano kaganda ang iyong panlabas na kaanyuan, wala rin itong saysay kung hindi naman busilak ang iyong kalooban. Ito rin ang dahilan kung bakit kahit pa nagbago na ang panlabas na anyo ng aktres na si Angel Locsin ay nananatili pa ring loyal sa kanya ang kanyang mga masusugid na tagahanga.

Kamakailan lang ay umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang mga larawang ito ng aktres. Sa Facebook, nag-viral ang larawan ni Angel kung saan makikita siyang nagte-taping para sa isang programa. Nakasuot ng pulang dress si Angel habang confident na nakaharap sa camera.

Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Kapansin-pansin naman ang malaking pagbabago sa katawan ng aktres. Nitong mga nakaraang buwan ay nadagdagan ng timbang si Angel, bagay na napansin ng mga netizens noon pa mang 2020.

Gayunpaman, hindi maipagkakailang walang kupas pa rin ang kagandahan at appeal ng Kapamilya star na ito! Sa kabilang banda, maraming netizens ang nag-react sa mga kumakalat na pictures na ito ni Angel.

May ibang fans ang concerned para sa kalusugan ng aktres. Mayroon din namang nananatiling supportive kay Angel at nagsabing confident pa rin ang aktres sa kabila ng pagbabago sa katawan nito.

Matatandaang nitong 2020 lamang ay nag-viral rin si Angel matapos siyang maispatan habang nagte-taping sa Caloocan City. Ayon sa ibang sources, mayroong maintenance medication ang aktres para sa kanyang spine injury, at isa sa mga side effects nito ay ang pagbabago sa kanyang katawan.

Isa si Angel Locsin sa tinaguriang pinakatalentadong aktres ng kanyang henerasyon. Ngunit bukod sa kanyang katangi-tanging kagandahan, sumikat rin si Angel sa husay nito sa pag-arte.

Noong 2019 ay kinilala si Angel ng prestigious magazine na Forbes sa kanyang mga philanthropic efforts.

Read also: China Roces, Ipinakilala na ang 14-Anyos na Anak na Matagal Itinago sa Publiko!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment