Ang kasal na marahil ang pinakaespesyal na okasyon sa buhay ng mag-asawa. Sa espesyal na araw na ito, mag-iisang dibdib ang couple sa harap mismo ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at hindi rin mawawala ang kanilang ninong at ninang. Dahil dito, hindi rin biro ang gastos para sa kasal. Ngunit maraming mag-asawa naman ang maswerteng nababawi ang kanilang mga nagastos na pera.
Dito sa Pilipinas, parte na ng ating tradisyon ang pagbibigay ng regalo at pera sa mga bagong kasal. Bilang ninong at ninang, nakaugalian na nating mag-abot ng pera para sa mag-asawa.
Ayon sa mga matatanda, isa rin itong magandang paraan upang makatulong sa bagong buhay ng dalawang bagong kasal.

Read also: Groom, Nagalit Matapos Tanggihan ng Wedding Singer ang Request Niyang Libreng Pagkanta sa Kasal Nila
Kaya naman maraming netiens ang napa “sana all!” matapos makita ang engrandeng kasal ng mag-asawang ito mula sa Tagum, Davao Del Norte.
Kamakailan lang ay pinag-isang dibdib si Mr. and Mrs. Marvin at Keeshia Lupio sa Sea World Oasis Resort. Maraming bisita ang dumalo upang masaksihan ang kanilang engrandeng kasal!
May isang bisita rin ang nagbahagi ng mga bonggang regalo na natanggap ng mag-asawa! Bukod sa mga appliances, nakatanggap rin sila ng limpak limpak na pera mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan.


Ayon sa bisitang ito, ang pinakabonggang regalo na natanggap ng mag-asawa ay ang house and lot na galing mismo sa mga magulang nila!
Nagkakahalaga di umano ng mahigit sa P10 million ang kasalukuyang under construction na house and lot ng bagong kasal. Bukod pa dito, nakatanggap rin sila ng cash na isinabit sa wedding dress at tuxedo nila. Mahigit 1 million naman ang cash na ibinigay ng kanilang mga magulang at ninong at ninang.
Dahil diyan, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming netien sa social media ang napa “sana all!” matapos makita ang engrandeng kasal na ito. Paniguradong magiging maganda ang simula ng buhay ng mag-asawa, lalo pa’t malaking tulong at suporta ang natanggap nila sa kanilang mga magulang.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment