Marami sa atin ay hindi kuntento sa ating katawan. Gusto nating magpapapayat, magpataba, magpaputi, o magpatangkad. Ngunit may mga tao na dinadala sa ibang level ang mga kahilingang ito! Isa na sa kanila si Anthony Loffredo, na usap-usapan ngayon sa Internet dahil sa kanyang kakaibang itsura. Dahil sa extreme body modifications, nagmukha ng ‘Black Alien’ ang lalaki.
Upang makamit ang gusto niyang itsura ng isang ‘Black Alien,’ sumailalim sa iba’t-ibang procedure ang 32-anyos na si Anthony. Nagpa-tattoo siya sa buong katawan, pati ang kanyang mga mata ay naging itim na rin.
Ngunit hindi pa siya nakuntento dito, at sumailalim pa siya sa mga operasyon para ipatanggal ang kanyang labi at ilong!

Read also: “Alam mong may nagbago”- Baninay, Emosyonal na Ibinalita ang Hiwalayan Nila ni Bont Bryan
Dumayo pa siya ng Spain para lamang sumailalim sa body modification procedure na ito. Dahil wala na silang pang-itaas na labi, aminado si Anthony na hirap na rin siyang magsalita. Gayunpaman, natutuwa siya sa resulta ng operasyon.
Ayon kay Anthony, sanay na siya sa mga titig ng tao na nakukuha niya, lalo na kung siya ay nasa pampublikong lugar. Ngunit hindi na raw siya naiilang dito.
Sa katunayan, mas nagiging confident na daw siya sa kanyang sarili lalo pa’t kakaiba ang kanyang kaanyuan kung ikukumpara sa iba.


“It has become normal, even unconscious, to constantly think about my plans for the next few months. I love getting into the shoes of a scary character. I often settle down somewhere and play a role, especially at night in the dark streets, he has fun. I explore the contrast between the role I play and myself.”
Sa ngayon ay mayroong mahigit sa 330,000 followers si Anthony sa Instagram. Umaani rin ng iba’t-ibang reaksyon ang mga selfies niya mula sa mga fans. May ilang naa-amaze sa kanyang transformation, ngunit may ilan rin naman ang nahihiwagaan kung ano ang purpose ni Anthony.

Read also: Bea Alonzo at Dominic Roque, Tinago nga ba sa mga Fans ang Secret Vacation Nila sa Amanpulo?
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment