China Roces, Ipinakilala na ang 14-Anyos na Anak na Matagal Itinago sa Publiko!

Kamakailan lang ay gumawa na naman ng ingay sa social media ang influencer na si China Roces. Mas nakilala si China Roces sa tambalan nila ni Tim Sawyer. Sa katunayan, nagkaroon pa ng isang malaking blessing ang dalawa nang ipanganak ni China si Baby Timothy. Akala ng maraming fans ay si Baby Timothy lamang ang tanging anak ng social media influencer.

Ngunit kamakailan lang ay napagdesisyunan na ni China na ibunyag ang katotohanan. Sa kanyang nakaraan vlog, ibinunyag ni China na mayroon pala siyang isa pang panganay.

Ayon kay China, matagal rin niyang itinago sa publiko ang kanyang anak dahil ayaw niyang makatanggap ito ng masasakit na salita mula sa ibang tao.

Read also: “Party girl kasi ako”- Sofia Andres, Aminadong sa Bar Lang Nakilala ng BF na si Daniel Miranda

Ayon kay China, matagal niya ring itinago sa publiko ang katotohanan dahil ayaw niyang mahusgahan. Pero sa kanyang vlog, sa wakas ay ipinakilala na ni China ang kanyang dalagang anak! Ayon kay China, kamakailan lang ay nagdiwang ito ng kanyang 14th birthday.

Paliwanag ni China sa kanyang vlog, nagawa niyang itago ang kanyang anak dati para na rin sa kanyang career.

Noong mga panahong iyon, wala raw brand ang kukuha sa kanya bilang endorser pag nalaman na isang dalagang ina siya. Pero ngayon, proud na si China na iharap sa publiko ang kanyang panganay.

Nag-request din si China sa kanyang mga fans sa social media na sana ay wag husgahan agad ang kanyang anak.

Ayon kay China, dahil sa ibang problema ay hindi rin sila nagkatuluyan ng tatay ng kanyang panganay. Gayunpaman, mahal na mahal daw niya ito at siya rin ang nagtutustos sa lahat ng pangangailangan nito.

Nais ring tulungan ni China ang kanyang anak sa pamamagitan ng vlogging. Magsisimula din daw ito ng kanyang sariling Youtube channel, kaya naman humingi ng suporta si China sa kanyang mga fans online. Maraming fans naman ang natuwa at nagsabing mukhang magkapatid lamang ang dalawa!

Read also: Sa Kanilang 5th Wedding Anniversary, Pauleen, Proud na Ginunita ang Pagiging Mrs. Sotto Niya!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment