Seaman, Nanlumo Matapos Makita ang Ginawa ng Kanyang Anak sa Kanyang Seafarer's Book!

Isa sa mga pinakaimportanteng bagay para sa isang seaman ay ang kanyang seafarer’s book. Katulad ng passport, importante ito sa kanilang trabaho dahil nagsisilbi itong record ng mga barko na naakyatan nila at mga bansang narating nila. Dahil dito, kailangan ay dala-dala nila ang maliit na librong ito saan man sila magpunta.

Kaya naman dismayado ang seaman na ito matapos makita ang ginawa ng kanyang anak sa kanyang seafarer’s book! Ibinahagi ng seaman na ito ang kanyang karanasan sa social media.

Ayon sa kanya, hindi niya namalayan na nakuha pala ng kanyang anak ang libro. Nagulat na lamang siya ng makita ang laman nito!

Read also: Fans, Napansin ang Kakaibang Binulong ni Julia kay Joshua sa Taping ng “Paubaya!”

Nang buklatin niya ito, nanlumo siya matapos makitang punong-puno na ito ng mga drawing at doodle. Ginamit ng kanyang anak ang isang ballpen para punuin ng drawing ang mga pahina ng kanyang seafarer’s book.

Humingi naman siya ng advice sa kanyang mga kapwa seaman kung ano ang maaari niyang gawin.

“My advice is just to apply for a new SRB or replacement of your SRB. It’s a public document that can’t tamper just like our individual passport. Just keep your old SRB and show it to your bunso after 15-20 years from now. Good luck seafarer and keep safe to all seafares,” pagbabahagi ng master mariner na si Edgar Sanchez.

Ang seafarer’s book ay isang importanteng dokumento na dapat ay laging dala ng mga seaman, saan man sila magpunta. Ang maliit na libro na ito na mukhang passport ay naglalaman ng importanteng detalye tungkol sa professional career ng seaman. Bukod sa mga personal na impormasyon, nakalagay rin dito ang record niya.

Ayon sa Marine Insight, makikita sa seafarer’s book ang mga lugar at bansa na napuntahan ng seaman. Malalaman rin dito kung anong klaseng vessel na ang napuntahan ng may-ari. Dito rin makikita ang voyage summaries, promotion records, visa endorsements, official notices, at vessel skill sets.

Read also: Netizen, Nadismaya Matapos Makitang Frozen Spaghetti ang Laman ng Ice Cream na Binili Nila sa Supermarket

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment