Sa Kanilang 5th Wedding Anniversary, Pauleen, Proud na Ginunita ang Pagiging Mrs. Sotto Niya!

Ilang araw na lang at Valentine’s day na! Kasunod ang espesyal na okasyong ito, nag-celebrate rin ng kanilang wedding anniversary ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Parang kailan lamang nang pinag-isang dibdib ang dalawa sa isang engrandeng kasalan noong 2016. Ngayon, sino nga bang mag-aakalang ika-limang wedding anniversary na ito nila Vic at Pauleen?

Kamakailan lang ay ginunita ng “Eat Bulaga” host ang kanilang kasal. Sa Instagram, nagbahagi si Pauline ng mga throwback photos ng kanilang grand wedding dati. Ipinakita rin niya ang mga never-before-seen photos nila ng kanyang mister, na may kalakip na nakakakilig na mensahe para kay Vic.

Read also: “Alam mong may nagbago”- Baninay, Emosyonal na Ibinalita ang Hiwalayan Nila ni Bont Bryan

“With the lord, we can do anything together. Happy 5th wedding anniversary, my love! My heart gets bitter every year because of your love,” pahayag ni Pauleen sa kanyang mister. Maraming fans rin ang kinilig dahil sa sweet na mensahe ni Pauleen para kay Vic, kaya naman napa-comment din sila sa throwback post nito.

Maraming kaibigan ng couple naman ang nag-react at nag-congratulate sa dalawa sa kanilang espesyal na milestone. Kabilang na dito sila Mariel Padilla, Regine Angeles, Maureen Wroblewitz, Ryan Agoncillo, Ria Atayde, Andi Manzano, Joy Sotto, Angelu de Leon, at Danica Sotto.

Ayon kay Pauleen, kahit pa limang taon na siyang “Mrs. Sotto” ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya kay Vic. Matatandaang ilang taon din muna silang naging magkasintahan bago tuluyang nagpakasal. Nabiyayaan din ng cute na anak ang dalawa na si Baby Talitha.

Dahil sa kanilang katatagan, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit itinuring na ‘couple goals’ si Vic at Pauleen sa social media! Maraming tao ang bilib kung paano nai-handle ng dalawa ang kanilang successful careers at buhay mag-asawa.

Read also: Bea Alonzo at Dominic Roque, Tinago nga ba sa mga Fans ang Secret Vacation Nila sa Amanpulo?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment