Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Mukhang maganda ang magiging pasok ng taong 2021 sa komedyanteng si Super Tekla! Matapos ang malaking hamon sa kanyang career noong 2020, ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang komedyante. Nakapag-impok na rin siya ng sapat na pera para makabili ng sariling bahay niya! Kamakailan lang ay ibinahagi ni Tekla ang kanyang home tour kasama si Donita Nose.

Sa kanilang vlog, ibinahagi ni Tekla na noon pa man ay pangarap na niyang magkabahay. Kaya naman todo kayod siya sa kanyang mga proyekto at programa para makapag-ipon ng pera.

Sa wakas, matapos ang ilang taong pagtitiis niya ay nakabili na siya ng sariling lote at bahay para sa kanyang pamilya.

Read also: Bagong Kasal, Parang Tumama sa Lotto Matapos Makatanggap ng House and Lot at 1 Million sa Kanilang Kasal!

Sa ngayon ay wala pang laman ang bahay ni Tekla dahil hindi pa ito tapos. May mga ilang bagay ring ipapa-renovate ang komedyante bago ito maging tuluyang tirahan nila.

Gayunpaman, excited na si Tekla sa magiging kinalabasan ng kanyang dream home kapag natapos na itong gawin.

“One day, alam ko lahat tayo magre-retire, mamamahinga sa gagalawan natin. At least meron tayong tahanan na uuwian. Di ko inakalang magkakaganito ako ng ganito. Tiwala lang po talaga tayo sa Diyos samahan ng sipag, tiyaga, at disiplina. Hindi imposibleng na magkaganito tayo.”

Bukod pa dito, excited na ibinalita rin ni Tekla na may bago siyang kapitbahay! Halos magkalapit lang ang new home ni Tekla sa bahay ng kanyang best friend na si Donita Nose. Sa katunayan, walong bahay lamang ang pagitan ng dalawa, kaya naman anytime ay maaari nilang bisitahin ang isa’t-isa.

Nitong nakaraang taon lamang ay nasangkot si Tekla sa malaking kontrobersya sa kanyang kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag. Inakusahan ni Michelle ang komedyante sa pagiging abusadong partner at pabayang ama sa kaniya at sa baby nilang si Angelo.

Ayon pa kay Michelle, kapag hindi nakukuha ni Tekla ang gusto nito ay hindi rin ito nag-aabot ng sustento sa kanila.

Read also: Sa Kanilang 5th Wedding Anniversary, Pauleen, Proud na Ginunita ang Pagiging Mrs. Sotto Niya!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment