Sa panahon ngayon, lamang ng madiskarte ang masipag! Dahil sa hirap ng buhay, iba’t-ibang raket ang nauuso na nagsisilbing pangdagdag kita. Isa na dito ang pagbebenta ng yelo o ice candy, dahil hindi kailangan ng malaking puhunan at ref lamang ang kailangan mo! At kung iniisip mo na pabarya-barya lamang ang kinikita sa business na ito, diyan ka nagkakamali. Silipin mo na lang ang nakaka-inspire na kwento ng nanay na ito.
Hindi madali ang pagtitinda ng ice candy, dahil kailangan mong gumawa nito araw-araw. Pero kung masarap ang iyong timpla, siguradong babalik-balikan ka ng mga customers mo! Ito rin ang dahilan kung bakit biglang lumago ang ice candy business ng isang housewife na ito.
Sa Facebook, ibinahagi ng isang ginang na si Red Moreno ang diskarte niya pagdating sa pagbebenta ng ice candy. Ayon kay Red, mayroon siyang isang maliit na sari-sari store.
Read also: Dating Online Seller, Madam na Ngayon! Nakapagpatayo ng Bodega sa Pagtitinda ng Ukay

Upang madagdagan ang kita niya, naisipan niyang gumawa ng ice candy dahil marami ring bata sa kanilang lugar.
Sa loob ng isang araw ay dalawang kaserolang ice candy ang ginagawa ni Red na may flavor na buko at mangga. Sa bawat kaserola, nakakagawa siya ng 165 pcs na ice candy.
Binebenta niya ito ng P5 kasa piraso, kaya naman kapag nauubos ito, tumutubo siya ng mahigit sa P800 kada araw. Tinatabi niya ang P500 bilang ipon.
Dahil dito, makalipas ang ilang buwan, napansin na lamang ng ginang na marami na pala siyang naipon! Ayon kay Red, sa ilang buwang pagtitinda niya ng ice candy ay nakapag-ipon siya ng mahigit sa P160,000. Nagbigay rin siya ng makabuluhang mensahe para sa mga nanay na nais kumita kahit nasa bahay lang.

“Tuwang-tuwa ako kasi sa pagtyaga ko, nakaipon ako ng P160,500. Kaya sa mga nanay, kahit nasa bahay lang kayo kaya niyo rin makaipon. Sipag at tiyaga lang talaga at disiplina pagdating sa pera. Maraming salamat po, at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko na to. Thank you po!”
Sa kabilang banda, maraming tao naman ang na-inspire sa simpleng negosyong ito ni Red! Kahit pa simple lang ang kanyang kabuhayan, malaki pa rin ang kinita niya dahil sinamahan niya ito ng diskarte at disiplina.
Read also: Nurse na Ininda ang Sakit sa Binti Habang Nag-Aalaga ng Pasyente, Naputulan ng Paa Dahil sa Tumor!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment