Ruffa Gutierrez, Humingi ng Dasal sa mga Netizens Dahil sa Matinding Pinagdadaanan Niya Ngayon

Kahit gaano ka pa kaingat, walang makapagsasabi kung kailan magaganap ang isang di inaasahang pangyayari. Ang mga aksidente ay nangyayari kahit saan, kahit pa nasa loob ka ng iyong bahay. Kamakailan lang ay naranasan ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang mainvolve sa isang aksidente sa loob mismo ng kanyang bahay!

Ayon sa 46-anyos na aktres, kamakailan lang ay naaksidente siya sa loob mismo ng kanyang bahay. Halos hindi raw siya makagalaw ng maayos matapos magbuhat ng mabigat na lamesa. Dahil dito, sumakit ang likod ni Ruffa at halos maparalyze siya sa sakit. Hindi rin daw siya makagalaw ng ilang oras dahil sa sakit.

Read also: Bago pa Man si Vice Ganda, Ion Perez, Dating Nakikitang Kasama ng Isang Sikat na Fashion Designer na Ito

“Bedridden. Yesterday afternoon, I tried to move a heavy table which caused muscle strain on my lower back. By 7 pm I was in excruciating, unberable pain and could not even move nor stand up from the couch. Ps: smile even when you’re suffering,” pahayag ni Ruffa sa kanyang official Instagram account.

Dahil hindi siya makagalaw, kinailangan ni Ruffa ng tulong ng ilang tao upang makapagpahinga siya. Ayon sa aktres, limang kalalakihan ang kinailangang bumuhat sa kanya sa 2nd floor ng kanilang bahay para lamang makapagpahinga siya.

Humingi rin si Ruffa ng tulong sa kanyang kaibigan na may kakilalang specialist.

“5 people had to lift me up and assist me to my bedroom on the 2nd floor. Severe pain continued until 2:30 am. Thanks to my kumare, Dr. Mela Joyce Andres-Lim who helped me through the night and referred me to spine surgeon Dr. Renato Lipana. I still can’t stand but I’m hopeful that I’ll be back to my bubbly self n no time, please pray for m swift recovery.”

Sa kasalukuyan ay nagpapahinga pa rin si Ruffa upang makabawi ng kanyang lakas. Humingi rin siya ng dasal mula sa kanyang mga fans para sa kanyang speedy recovery.

Read also: Ivana Alawi, Ibinuking Kung Sino ang Hunk Actor na Ito na Matagal na Niyang Hinahangaan!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parheong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment