Madalas ay sa pelikula lamang natin napapanood ang nakakamanghang kwento ng mga survivors. Karamihan sa kanila ay may nakakakilabot na kwento tungkol sa kanilang mga pinagdaanan upang mabuhay. Ngunit alam niyo ba na nangyayari rin ang mga ito sa totoong buhay? Kamakailan lang ay naibalita ang mala-milagrong pagkaligtas ng mga mangingisda na ito mula sa Antique!
Ibinahagi ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento ng tatlong mangingisda na ito. Ayon sa report, January 2 nang pumalaot ang tatlo upang mangisda.
Kinilala ang tatlong mangingisda bilang sina Ruben Beso Sr., 51, John Lauren Beso, 27, at John Javellana, 34. Sila ay residente ng Brgy. Sagua, Antique.
Read also: Mga Fans, Nalungkot sa Biglaang Hiwalayan ng PBB Love Team ni Andre Brouillette at Lou Yanong


Ngunit ilang araw na ang lumipas ang hindi na nakabalik ang tatlo. Dahil dito, naalarma ang kanilang mga pamilya at ipinagbigay-alam nila sa mga otoridad.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard sa baybay ng Antique upang mahanap ang mga nawawalang mangingisda.
Halos isang buwan ang lilipas, ngunit hindi pa rin nahahanap ang tatlo. Walang kaalam-alam ang mga pamilya nila na naaksidente pala sila sa laot, at simula noon ay nagpalutang-lutang na lamang sila sa dagat!
Ayon sa isa sa mga mangingisda, 20 days silang nagpalutang-lutang sa tubig hangga’t sa maabot nila ang Tawi-Tawi.
“Lahat ng dala naming pagkain, tubig, nawala! Wala kaming makain, mainom. Pabulol-bulol na kaming magsalita. Para kaming nabibingi. ‘Yung bunganga namin hindi na maibukas. Nanlalambot na ‘yung tuhod namin. Wala nang puwersa.”


Dahil walang pagkain at tubig, unti-unting pinanghinaan ng lakas ang tatlong mangingisda. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa na magdasal sa Diyos na sana ay mailigtas pa sila at makabalik sa kanilang mga pamilya.
“Habang palutang-lutang kami, wala na kaming ibang magawa kundi magdasal. Nagdadasal kami na sana may maka-rescue sa amin. Wala na kaming pagkain o tubig. Nanginginig ako sa sobrang gutom. Hindi ako makahawak ng kahit ano, hindi ako makatayo. Pakiramdam ko mamamatay na ako!”
Nang mapadpad sa Tawi-Tawi ay saka lamang narescue ang tatlo. Agad rin silang naibalik sa kani-kanilang mga pamilya, na tuwang-tuwa namang makita silang buhay.
Sa kabilang banda, maraming tao sa social media ang talaga namang na-inspire sa kwento ng tatlong mangingisdang ito.

Read also: Dating Online Seller, Madam na Ngayon! Nakapagpatayo ng Bodega sa Pagtitinda ng Ukay
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment