Wais na Nanay at Tatay, Hinangaan ng mga Netizens Matapos Gawin Ito sa Pinamaskuhan ng Kanilang Anak!

Tuwing Pasko o may espesyal na okasyon, nakaugalian na ng mga ninong at ninang ang pagbibigay ng aguinaldo sa kanilang mga inaanak. Lalo na tuwing Kapaskuhan, maraming bata ang nakaabang sa pulang ampaw na matatanggap nila mula sa kanilang mga ninong at ninang. Kaya bilang ninong at ninang, nakakatuwang makita na may napupuntahang makabuluhan ang mga ipinapamasko nyo.

Isang tatay ang hinangaan ng mga tao sa social media sa kanilang diskarte pagdating sa mga natatanggap na regalo ng anak.

Ibinahagi ni Jarlo Manalad ang ginagawa nilang mag-asawa sa mga perang napapamaskuhan ng kanilang baby boy. Imbes na gastusin ay naisipan nilang ipunin ito!

Read also: Australian National na May Magandang Trabaho sa Airlines, Mas Piniling Manirahan sa Pilipinas Bilang Street Vendor

Ayon kay Jarlo, mapalad ang kanilang anak dahil maraming taong nagmamahal dito. Kaya naman tuwing birthday o binyag nito ay inuulan rin ito ng mga regalo mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.

Simula nang siya ay baby pa lamang, hanggang sa siya ay 3-anyos na, iniipon lang ni Jarlo at ng kanyang asawa ang mga natatanggap nila.

“Mag 3 years old pa lang yung bata, may ipon na siyang 77k. Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family, friends na nagmamahal sa bata. Lahat po ng binibigay nyo sa bata, mula bininyagan siya ay para po sa kanya. Wala po kming binulsang mag-asawa. Wala kaming pinantapal sa expenses niya gaya ng ginastos sa binyag at 1st birthday niya.”

Sa loob ng tatlong taon, mahigit sa P70,000 na ang nalikom nila mula sa mga natanggap na regalo. Inilagay nila ito sa sariling bank account ng kanilang anak, upang magamit niya ito sa kanyang paglaki. “Hanggang sa huling sentimo sa bata po iyan. At lahat po ng ibibigay niyo ay idadagdag po dyan.”

Sumaludo naman ang mga netizens sa wais na diskarte ng mag-asawang ito. Sa ganitong paraan, paglaki ng anak nila ay siguradong mapapakinabangan niya ang perang ito sa kanyang pag-aaral!

Read also: Sexy Actress, Pwede Raw Mainlove Kay Ion Perez Matapos Makatrabaho Ito sa Daring na Pelikula

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment