Sabi nga nila, walang imposible kung magtyatyaga ka. Kahit ano pa ang katayuan mo sa buhay, mayroon kang pagkakataon na abutin ang mga pangarap mo. Hindi man madali ang daan na tatahakin mo, siguradong makakarating ka sa iyong paroroonan kung sasamahan mo ng tyaga, sipag, at pananampalataya.
Kagaya na lamang ng dating security guard na ito na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media. Maraming netizens sa social media ang na-inspire sa kwento ng buhay ng dating sekyu na ito. Sinong mag-aakalang ang dating security guard ay isang ganap na guro na ngayon?

Read also: Delivery Rider, Huminto sa Pagde-Deliver Upang Makapagdasal sa Gitna ng Daan
Si Erwin Macua, residente ng Cebu City, ay nagta-trabaho bilang security guard sa St. Theresa’s College. Araw-gabi ay nagsusumikap si Erwin upang masuportahan ang kanyang pamilya. Ngunit kasabay ng kanyang pagta-trabaho, nangarap rin si Erwin na makapagtapos ng kolehiyo.
Dahil dito, nag-desisyon siyang pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho. Nag-enroll siya sa college na kanyang pinapasukan sa kursong edukasyon. Ngunit hindi naging madali ito, dahil noong una ay tutol ang kanyang mga anak.
Ipinaliwanag naman ni Erwin na paraan niya rin ito upang mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya niya.


Pinagsabay ni Erwin ang kanyang pagdu-duty at pag-aaral. Hindi man naging madali, mas pinili ni Erwin na maging matyaga upang makamit ang pangarap niya. Lahat naman ng pagsisikap niya ay nagbunga matapos siyang grumaduate bilang magna cum laude ng kanilang batch!
Hindi naglaon ay nakapasa rin siya ng board examinations, at naging isang ganap na guro. Ayon sa mga reports, kasalukuyang nagtuturo ng Araling Panlipunan at Work Education si Teacher Erwin sa isang elementary school.
Talagang kahanga-hanga nga ang katatagan ni Teacher Erwin, at siguradong isa siyang inspirasyon para sa maraming tao.


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment