Tindera, Laking Gulat Nang Makita ang Ginawa ng Rider na Ito Matapos Bumili ng Siomai sa kanila!

Isang delivery rider ang nag viral sa social media kamakailan lamang dahil sa kabutihang ginawa nito. Isang netizen ang naantig sa kwento ng rider na ito, na talaga namang kahanga-hanga! Kwento ni Jozel Anne Quiambao, isang delivery man ng Joy Ride ang nagpahinga at bumili ng burger at milk tea sa kanilang tindahan. Ngunit hindi nila inaasahan ang susunod na ginawa nito.

Habang nagpapahinga ang rider, napansin nitong maraming pagala-galang aso sa tindahan nila Anne. Maya maya pa ay bumili ito ng siomai, na siya niyang ipinakain sa mga aso sa kalye. Ayon kay Anne, naantig sila dahil sa kabaitan ng puso ng delivery rider.

Read also: Dating Sekyu, Isang Ganap na Guro na Dahil Nagsumikap at Nagtapos Bilang Magna Cum Laude!

“Nagulat ako nung umorder siya ng siomai, wag na raw lagyan ng kahit anong sawsawan, ‘yun pala ibibigay niya sa aso. Kaya nung nalaman ko na para sa aso pala yun, hindi ko na pinabayaran sa kanya. Kasi nga dog lover rin po ako at ginagawa ko rin po ‘yun.”

Ayon pa kay Anne, hindi raw ito ang unang beses na nagpakain ang JoyRide rider ng mga aso sa lansangan. Sa katunayan, lagi raw itong may dala-dala na tupperware, kung saan may ulam at kanin para sa mga asong nakikita nito sa daan habang siya ay nagdu-duty sa kalakhang Rizal.

“Tapos nagkwento siya sa amin po na lagi siya may dala na tupperware na pagkain at kanin para sa tuwing may makikita siya na aso bibigyan niya po ng pagkain. Pinagtitipon-tipon niya po tapos papakainin niya. Marami rin daw po kasi siyang aso sa kanila kaya napaka mapagmahal niya rin sa mga aso.”

Agad namang nag viral ang kwentong ito sa social media. Maraming mga tao ang sumaludo sa delivery rider sa kabutihang ginagawa niya para sa mga asong kalye.

Marami rin ang nagsuggest na dapat ay parangalan ang rider sa kanyang mabuting gawain.

Read also: Pinay na Nakapag-Asawa ng British National, Pinatunayang Totoo ang Forever!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment