Kahit 50 Anyos na, Keanna Reeves, Pinapainit Pa Rin ang mga Fans sa Kanyang Selfies!

Talaga nga namang maraming naggagandahang aktres sa showbiz industry. Kahit pa karamihan sa kanila ay may edad na, hindi maipagkakailang hindi pa rin kumukupas ang kanilang karisma at kagandahan! Isa na sa kanila ang sexy actress na ito na paniguradong tumatak sa isipan ng maraming Pinoy fans. Naaalala niyo pa ba si Keanna Reeves?

Si Keanna Reeves ay isang sexy actress na sumikat noong 90s. Ipinanganak siya noong September 1970, at mas kilala sa kanyang tunay na pangalan bilang Janet Derecho Duterte. Maaga ring sumabak si Keanna sa industriya ng pag-aartista, matapos mapansin ang kanyang kagandahan at kaseksihan!

Read also: Australian National na May Magandang Trabaho sa Airlines, Mas Piniling Manirahan sa Pilipinas Bilang Street Vendor

Laman ng mga daring movies at television series dati si Keanna dahil sa galing niyang umarte. Naging leading man niya rin ang mga sikat na action stars noong araw. Ngunit mas gumawa ng ingay si Keanna noong 2004, nang may aminin si Keanna tungkol sa totoong trabaho niya na hindi nakikita ng mga fans.

Ayon kay Keana, bukod sa pagiging aktres at modelo, pinasok niya rin ang buhay ng pagiging escort. Lakas loob niya ring ibinunyag na marami siyang nakakasalamuhang kliyente.

Sa katunayan, ayon kay Keanna, may mga naging kliyente na siya na high-ranking politicians at sikat na opisyales, ngunit hindi niya naman pinangalanan ang mga ito.

Ngayon, kahit pa nasa edad 50 anyos na si Keanna, ay talaga namang walang kupas pa rin ang kagandahan nito. Sa social media, madalas mag-share si Keanna ng mga updates tungkol sa kanyang pang-araw araw na pamumuhay. Maraming fans rin ang laging nakaabang sa mga updates niya.

Sa kasalukuyan naman ay hindi na masyadong lumalabas sa telebisyon si Keanna. Gayunpaman, siguradong makakabalik siya anytime, lalo pa’t hindi niya pinapabayaan ang kanyang sarili at talaga namang seksing-seksi pa rin siya!

Read also: Sexy Actress, Pwede Raw Mainlove Kay Ion Perez Matapos Makatrabaho Ito sa Daring na Pelikula

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment