Sexy Actress na si Natalie Hart, Proud Mommy Na! Ipinakilala ang Anak na Matagal Itinago sa Social Media

 

Naaalala niyo pa ba si Natalie Hart? Ang sexy actress na ito ay sumikat matapos sumali sa ika-limang season ng talent search na “Starstruck.” Bukod sa kanyang mala-modelong katawan at mala-anghel na mukha, mas minahal ng mga fans si Natalie Hart dahil sa kanyang kalog na personality. Dahil dito, maraming fans ang nabihag niya!

Isa sa mga naging sikat na pelikula niya kamakailan lang ay ang “Abay Babes,” kung saan nakatrabaho niya sina Cristine Reyes, Megan Imperial, Kylie Versoza, at Roxanne Barcelo. Ngunit pagkatapos nito, bigla na lamang nawala sa showbiz si Natalie, kaya naman maraming fans ang nagtaka.

Read also: Charlie Lozada, Isang Successful Businessman Na! Tuluyan na Ring Kinalimutan ang Asawang Nanloko sa Kanya 

Taong 2018 nang pansamantalang magpaalam si Natalie sa kanyang mga fans. Matapos ang kanyang movie na “Abay Babes,” nagdesisyon siyang manirahan sa New Delhi, India. Noong mga panahong iyon, nakahanap na rin ng kanyang kabiyak sa puso ang aktres.

Kumalat rin ang bali-balita na nagdadalangtao si Natalie, kaya naman pansamantala muna itong lumayo. At noong Setyembre ng 2018, may kumalat na picture niya na kita ang kanyang baby bump!

Kahit pa naka private ang mga accounts nito, may mga fans pa rin ang nakakita ng picture ng kanyang baby.

Sa ngayon ay proud na mommy na si Natalie Hart sa kanyang baby girl na si Penelope. Noong 2019 din ay inamin ni Natalie na buntis siya, at ikinasal na sila ng kanyang Indian boyfriend na isa ring successful na businessman. Sa Instagram, madalas ring magbahagi si Natalie ng picture ng kanyang baby.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung kailan magbabalik showbiz si Natalie. Masaya naman ang kanyang mga fans na malaman na isang ganap na nanay na ngayon ang kanilang paboritong aktres.

Read also: Mala-Resort na Dream House ni Coco Martin, May Sariling Private Cinema sa Loob

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment