Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang mga pasaring ni Joy Reyes tungkol sa kanyang ex-partner na si Jomari Yllana. Mayroong dalawang anak ang Paranaque councilor sa dating partner nito, ngunit ayon kay Joy, hindi raw nagsusustento nang maayos si Jomari sa kanilang mga anak. Ibinuking ito ni Joy sa Instagram, kung saan inakusahan niya si Jomari na isang pabayang ama.

Sinagot naman ng dating aktor ang mga paratang sa kanya ng kanyang dating partner. Sa isang eksklusibong panayam sa Philippine Entertainment Portal, itinanggi ni Jomari ang mga paratang ni Joy sa kanya.

Aniya, siya ang umaaako lahat ng bayarin sa bahay, kasama na ang pagkain, damit, at iba pang pangangailangan ng mga anak niya.

Read also: Dating Partner ni Jomari Yllana, Nag-Reklamo Matapos Maputulan ng Kuryente Dahil sa P100k Electric Bill

Ayon pa kay Jomari, ilang beses na rin daw siyang kumuha ng yaya upang hindi mahirapang mag-alaga si Joy, ngunit lagi daw itong inaalisan ng mga namamasukan.

Hatid sundo rin ng sasakyan ang mga bata tuwing may pupuntahan sila. Bukod pa dito, inihayag ni Jomari na marami ring pagkukulang si Joy sa kanilang mga anak.

Ilang beses na raw nakita ng mga yaya na mayroong inuuwing lalaki si Joy sa kanilang bahay, kung saan kasama niya ang kanyang mga anak. Ayon kay Jomari, papalabasin di umano ni Joy ang mga anak niya at magkukulong sa kwarto kasama ang ibang lalaki.

“And ang kuwento sa akin nung mga yaya ay magkukulong siya dun sa kuwarto kasama yung mga iniimbita niyang lalaki. So, kung nagla-lock ‘yan ng kuwarto, palalabasin yung mga anak ko at magkukulong sa kuwarto, e, kaya naman pala ganyan kamahal ang bill ko, e. Ginawa palang motel yung bahay ng mga anak ko,” giit ni Jomari sa kanyang interview.

Maaalalang inakusahan ni Joy si Jomari na isang pabayang ama matapos silang maputulan ng kuryente. Inabot sa mahigit P100k ang unpaid bills nila sa Meralco.

Read also: After 4 Years, Alex at Mikee, Kinasal na! Silipin ang Ibang Detalye Tungkol sa Pag-Iisang Dibdib Nila Dito

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment