Mister, May Kakaibang Paraan Para Sipagin ang Misis Niya Tuwing Naglalaba!

Hindi madali ang buhay ng mga misis. Bukod sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, buong araw rin silang busy sa mga gawaing bahay. Kasama na dito ang paglilinis ng bahay, pag-aasikaso sa mga bata, paghuhugas ng pinggan, at paglalaba. Dahil sa dami ng gawain, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit madalas uminit ang ulo ni misis sa kanyang asawa!

Dahil dito, nakaisip ng isang genius na paraan ang mister na ito. Ayon sa kanya, napansin niyang laging mainit ang ulo ng kanyang asawa tuwing kumikilos ito sa bahay. Nakahanap naman siya ng simpleng paraan para masiguradong matanggal ang inis ng kanyang asawa.

Read also: Dating Sekyu, Isang Ganap na Guro na Dahil Nagsumikap at Nagtapos Bilang Magna Cum Laude!

Nag-viral sa social media ang post ng mister na si Marvien Cascato. Talaga namang maraming mister ang naka-relate sa kanyang pinagdadaanan!

Ayon kay Marvien, lagi na lamang mainit ang ulo ng asawa niya sa kanya tuwing naglalaba ito. Kaya naman naisipan niyang sorpresahin ito isang araw!

“Please lang tayong mga husband konting pag unawa naman sa asawa natin, hindi biro ang maglaba kaya dapat maisip nyo naman na tirhan nyo man lang ng kahit kaunting pera sa bulsa nyo para naman sa bawat paglaba nila ay masurprise at makabili ng pang snack,” pahayag ng mister na ito.

Bago maglaba ang kanyang asawa, sinisigurado muna nito na walang laman ang mga bulsa ng kanilang shorts at pantalon. Dahil dito, patagong naglagay si Marvien ng P500 sa bulsa ng kanyang shorts!

Kaya naman bago ito malabahan ng asawa niya, may malaking ngiti na sa kanyang mukha. Mukhang effective naman ito, dahil simula noon, hindi na naging mainitin ang ulo ng asawa niya!

Sa katunayan, lagi pa daw ito nangungunang maglaba sa pagbabakasakaling muli na naman siyang may makukuhang grasya. Maraming mister rin ang siguradong maraming natutunan sa teknik na ito.

Read also: Pinay na Nakapag-Asawa ng British National, Pinatunayang Totoo ang Forever!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment