Tamang Hinala - Crisha Uy, Ibinunyag na Nagsinungaling sa Kanya ang Ex na si Joem Tungkol sa Relasyon Nito kay Meryll

Ayon sa prediksyon ni Feng Shui Master Hanz Cua, maraming couple ang maghihiwalay ngayong 2021. Taong 2020 naman nang maghiwalay ang celebrity couple na si Crisha Uy at Joem Bascon. Noong January ay ibinuking ni Crisha na matapos ang walong taong pagsasama nila, bigla na lamang nanlamig sa kanya si Joem. Matapos ang hiwalayan ay bumalik naman ito sa dating girlfriend na si Meryll Soriano.

Ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Crisha, pumutok ang bali-balita na nabuntis ni Joem si Meryll. Dahil dito, napaisip ang mga netizens kung pinagsabay nga ba ni Joem ang dalawa.

Kamakailan lang ay tila kinumpirma ito ni Crisha sa kanyang latest vlog, kung saan ibinuhos niya ang kanyang emosyon.

Read also: Jaclyn Jose, Proud na Winelcome ang Pangatlong Apo Mula sa Anak na si Andi Eigenmann

Ayon kay Crisha, alam na niya ang totoo bago pa man ianunsyo ni Joem sa social media na buntis si Meryll. Dito rin daw niya nakumpirma na nagsinungaling sa kanya si Joem.

Ngunit ayon kay Crisha, isang taon matapos ang kanilang break-up, unti unti na rin siyang nakaka-move on sa kanyang karanasan.

“I got mad because the feelings of betrayal returned all over again. The feeling of seeing it versus hearing about it is different… I have moved on. Finally, finally I can confirm that he lied back then. I was lied to because I gave them the benefit of doubt! It was a slap on the face seeing those. I felt like I was slapped and my suspicions turned out to be true.”

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang vlog na ito. Marami ang hindi mapigilang maawa sa mapait na sinapit ni Crisha sa kanyang relasyon. Silipin ang kanilang komento dito:

“I know it will take her time to heal. It could take her years, we’re not sure but I hope she didn’t comment about it anymore.”

“Lol, he is not worth that nonsense. Not even a little bit. Kaloka.”

“I think nasasaktan nalang sya dahil naconfirm nia na yung hinala nia noon hindi naging honest si joem with the real reason kung bakit nakipag break sya.”

Read also: After 4 Years, Alex at Mikee, Kinasal na! Silipin ang Ibang Detalye Tungkol sa Pag-Iisang Dibdib Nila Dito

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment