Maraming fans ang excited na sa bagong movie ng sexy actress na si Sunshine Guimary. Si Sunshine ang leading actress sa sexy-comedy film na ‘Kaka’ na iprinoduce ng Viva Films. Makakatrabaho niya sa pelikulang ito ang dalawang talentadong star na sina Ion Perez at Jerald Napoles, na magsisilbing leading men niya sa daring na pelikulang ito.
Ayon kay Sunshine, laking pasasalamat niya sa Viva sa pagbibigay sa kanya ng opportunity na ito. Hindi maipagkakailang excited na rin siya na makatrabaho ang dalawang aktor.
Ngunit sa isang panayam sa Philippine Entertainment Portal, inamin ni Sunshine na may halong kaba rin siyang nararamdaman.


“Yes, may bed scenes. Daring ang movie na ‘to, yun ang dapat ko talagang paghandaan, kasi medyo sensitive at pang-adult yung movie. Willing akong mag-adjust kay Ion. Meme, pahiram ha? Pahiram!” Ito ang pabirong pahayag ni Sunshine sa partner ni Ion na si Vice Ganda.
Nang itanong kung posible ba siyang ma-inlove kay Ion, walang alinlangang sumagot si Sunshine na pwede.
Ayon sa kanya, isa rin siyang avid fan ng “Showtime,” at doon niya nasubaybayan ang totoong personality ni Ion. Inamin niya rin na sweet ito at malambing.


“Posible, oo, kasi ang personality ni Ion, parang malambing siya, ‘tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion? Physically, nandoon na sa kanya. And sa attitude, hindi ko pa siya ganoon kabisado, pero sa napapanood ko sa It’s Showtime, sweet si Ion, which is isa ‘yon sa weakness ng babae.”
Maraming fans naman ang curious sa reaction ni Vice Ganda sa statement na ito ni Sunshine.
Ngunit kahit pa magkatrabaho si Sunshine at Ion, panigurado namang mananatiling loyal pa rin ito kay Vice. Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanilang 2nd anniversary ang dalawa.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment