Para sa isang nanay, wala na siguro ang mas sasakit pa ang mawalay sa anak mo. Gagawin ng kahit sinong nanay ang lahat ng kanyang makakaya para lamang hindi malayo sa kanyang minamahal na anak. Ngunit sa kasamaang palad, may mga pangyayaring hindi inaasahan. Kagaya na lamang ng naranasan ng nanay na ito mula sa China.
Isang kasalan ang dinaluhan ng mga bisitang ito mula sa Suzhou, Jiangsu province noong March 31. Ngunit hindi nila inaasahan na magiging reunion pala ito!
Napaiyak ang mga bisita matapos malaman na ang bride pala ay totoong anak ng nanay ng groom. Matagal ring nagkawalay ang dalawa, bago tuluyang nagtagpo sa araw na ito.

Ayon sa mga reports, sa kalagitnaan ng seremonya ay napansin ng nanay ng groom ang isang kakaibang birth mark sa kamay ng bride.
Kilalang-kilala niya ang balat na iyon, dahil mayroon ring parehong birth mark ang anak niyang babae na nawalay sa kanya. Kaya naman tinanong nito ang mga magulang ng groom kung ampon ba ang bride.
Nagulat naman ang mga ito, dahil maging ang bride ay hindi alam na ampon lamang siya. Sa huli, inamin ng mag-asawa na hindi nila biological na anak ang babae.
Dito na nakumpirma ang hinihinala ng nanay ng groom! Napatunayan niya na ang anak na matagal nawalay sa kanya ay walang iba kundi ang bride.

Ayon sa nanay ng groom, sanggol pa lamang ito ng mawalay ito sa kanya. Ilang taon niya ring hinanap ang kanyang anak, ngunit hindi na sila muling nagkita.
Ilang taon ang nakalipas, nag-ampon siya ng anak na lalaki. Hindi niya inaakala na paglaki nito ay makikilala at magiging asawa pa nito ang nawawalang anak niya!
At dahil hindi sila magkadugo, natuloy pa rin ang kasalan ng bride at groom. Hindi naman makapaniwala ang mga bisita sa nasaksihan nilang nakakaiyak na pagtatagpo ng mag-ina.
Talagang napaka-mapaglaro nga naman ng kapalaran! Kadalasan, hindi natin inaasahan na ang bagay na hinahanap natin ay nasa ating harapan lang pala.

Read Also: Babaeng Naharang sa Checkpoint, Pinakasalan ang Pulis na Sumita sa Kanya!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment