China Roces, Sinorpresa ng Napakagwapong Manliligaw Niya! Ito na nga ba ang Kapalit ni Tim Sawyer?

Sa pagdating ng 2021, panahon na upang harapin ang bagong chapter ng ating buhay. Para sa social media influencer na si China Roces, panahon na rin para tuluyan na siyang maka-move on mula sa kanyang ex-partner na si Tim Sawyer. Ngayong taon, binigyan ni China ng panibagong chance ang kanyang sarili upang muling buksan ang kanyang puso sa iba.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng tuluyang maghiwalay ang couple na sina China Roces at Tim Sawyer. Noong 2020, naging mainit na usap-usapan sa social media ang pagla-live ni China sa Facebook habang nagkakainitan sila ni Tim. Ayon kay China, pinagtataguan siya ni Tim ng pera at may babae pa di umano ito!

Read More: Suplada nga ba? Andi, Sinagot na ang Kumakalat na Rumor na Tumatanggi Siya Laging Magpa-Picture!

Sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon para na rin sa kapakanan ng anak nila na si Baby Timothy. Ngunit kahit gaano pa mag-effort si China, mukhang hindi na niya maisasalba ang kanilang relasyon.

Kamakailan lang ay kumalat na rin sa social media ang babaeng di umano’y kinakasama ngayon ni Tim Sawyer!

Sa kabilang banda, mukhang nakahanap na rin si China ng lalaking magpapatibok sa puso niya! Kamakailan lang, maraming netizens ang talaga namang kinilig dahil sa manliligaw ni China. Bumisita pa talaga ito sa bahay niya para lamang masilayan si China. May dala rin itong munting sorpresa para sa vlogger.

Sa isang video na ibinahagi ni China, makikita ang kanyang mysterious na manliligaw. At dahil hindi pa ready si China na ipakilala ito sa publiko, hindi muna niya ibinuking ang pangalan nito. Sa kabila nito, mababakas ang tuwa at kilig sa mukha ni China matapos siyang abutan ng bouquet of flowers ng kanyang manliligaw.

“Pag may umalis, ay bagong dadating na mas better. Deserve mong ligawan at mahalin sa kabila ng sakit at hirap na naranasan mo sa nakaraan. Never expect. Never assume. Never ask. Never demand. Just let it be. If it’s meant to be, it will happen,” pahayag ni China sa Facebook. Excited na rin ba kayo sa identity reveal ng kanyang manliligaw?

Read Also: 17-Anyos Viva Artist na si Yumi Garcia, Kumpirmadong Binabahay ni Jon Gutierrez!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment