Sa kalagitnaan ng pandemic, unti-unti na ring lumuluwag ang mga travel restrictions. Kahit pa hindi pa rin ine-encourage ang leisure travel, pinapayagan na ang pagsakay sa eroplano ng may kasamang bata. Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, nagpapatupad rin ng mahigpit na health protocol ang mga airline na kailangang sundin ng mga pasahero.
Ang hindi pagsunod sa health protocol sa loob ng eroplano ay maaring magresulta sa pagka-kick out sa iyong flight. Kamakailan lang, kumalat sa social media ang video na ito ng isang pamilya sa United States na mayroong nakasagutang flight attendant. Nadelay ang flight mula Orlando papuntang Atlantic City dahil sa insidenteng ito.

Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic
Mayroong kasamang dalawang-taong gulang na bata ang mag-asawa. Sa video, makikitang nakasuot ng face masks ang nanay at tatay, samantalang wala namang face mask ang kanilang anak.
Maya maya pa, nilapitan sila ng isang flight attendant mula sa Spirit Airlines at sinita. Nagreklamo ang mag-asawa at ipinakita na nakasuot naman sila ng face mask. Ngunit sa isang punto ng video, makikitang saglit na tinanggal ng tatay ang kanyang face covering.

Maraming pasahero rin ang nagsabi na may mga bata rin sa flight na hindi rin nakasuot ng face mask. Sa kabila nito, nakiusap pa rin ang flight attendant na bumaba ang pamilya sa eroplano dahil hindi raw ito sumusunod sa kanilang health protocol na pagsusuot ng mask.
Nagresulta ang insidenteng ito sa dalawang oras na pagkaka-delay ng flight. Kinalaunan ay pinayagan rin ang pamilya na mag-stay sa eroplano. Sa kabilang banda, nagbigay naman ng opisyal na pahayag ang management ng Spirit Airlines tungkol sa insidenteng ito.
Pinabulaanan ng airlines na ang bata ang dahilan kung bakit pinapababa ang pamilya sa flight. Ayon sa statement, ang mga magulang mismo ang sumuway sa kanilang mask policy, kung kaya’t kinausap ito ng kanilang flight attendant.

Read More: Janella at Markus, Ipinagtanggol si Baby Jude Mula sa mga Cyberbullying na Natatanggap Nito Online
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubilong mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment