Isang taon na rin magmula ng ikasal ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Sarah at Matteo, o mas kilala bilang AshMatt, ang kanilang 1st wedding anniversary. At dahil nagsimula na ang kanilang buhay mag-asawa, maraming fans na rin ang nae-excite sa susunod na kabanata sa buhay ni Sarah at Matteo.
Matapos ang kanilang kasalan, matatandaang sa bahay muna ng pamilya ni Matteo namalagi ang dalawa. At dahil inabutan sila ng lockdown, naantala rin ang mga plano ni Matteo at Sarah para sa isa’t-isa.
At ngayong nakahanap na sila ng magandang tiyempo, sa wakas ay napaghandaan na rin ng celebrity couple ang kanilang dream home!

Read More: Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Napapaligiran na Pala Siya ng Killer Whales sa Dagat!
Kamakailan lang, maraming fans ang talagang na-excite matapos makita ang property na binili ng mag-asawa sa Batangas. Mukhang rural living ang nais ni Matteo at Sarah, dahil sa Batangas sila bumili ng malaking lupa na pagtitirikan ng kanilang future dream home. Dito rin nila ipinagdiwang ang ika-31 na kaarawan ni Matteo.
Sa mga larawan, makikitang kasama ni Sarah at Matteo ang kanilang mga pamilya habang binibisita ang lupa. Upang gawin itong mas official, nagkaroon rin sila ng simpleng groundbreaking ceremony.
Sa isang exclusive subdivision nakabili ng lupa ang mag-asawa, ngunit hindi pa nila ina-anunsyo kung kailan magsisimula ang construction ng kanilang dream house.


Ayon sa mga sources, sa Peninsula de Punta Fuego sa lote na nabili ng mag-asawa. Mukhang naghahanda na rin si Matteo at Sarah sa pagdating ng kanilang anak, dahil talagang napakaganda at family-friendly ng lugar na napili nilang pagtayuan ng bahay.
Sa kabilang banda, mababakas naman ang tuwa sa mukha ni Sarah at Matteo. Sa wakas, matapos ang ilang taong paghihintay ay unti-unti na rin nilang nakakamit ang mga pangarap nila bilang mag-asawa! Unang-una na dito ang pagbuo ng kanilang dream home para na rin sa kanilang anak.


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment