Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Napapaligiran na Pala Siya ng Killer Whales sa Dagat!

Talaga namang maraming nakakamanghang hayop sa karagatan. Tuwing lumalangoy tayo sa dagat, mapalad tayo kung makakakita tayo ng mga rare sea creatures. Kagaya na lamang ng babaeng ito, na hindi namamalayan na kasama niya na palang lumangoy ang mga killer whales! Viral ngayon sa social media ang nakaka-amaze na video ni Judie Johnson kung saan kasama niyang mag swimming ang mga killer whales.

“It’s blown me away to think that people would be interested. I just love talking about it because even though I think people must be over it by now, they still come up to me,” ayon kay Judie. Kuha ang video na ito sa isang sheltered bay sa Coromandel Peninsula.

Read More: VIDEO: Batang Lalaki, Emosyonal Habang Sinusubukang Iligtas ng Tuta sa Bingit ng Panganib!

Noong una, inakala raw ni Judie na dolphins lamang ang kanyang mga katabi. Ngunit nang pinagmasdan niya ito, saka niya lamang na-realize na orcas pala ang nakapalibot sa kanya! Ang mga orcas, o mas kilala bilang killer whale, ay isang malapit na kamag-anak ng mga dolphins kaya naman may pagkakapareho sa kaanyuan nito.

Binansagang killer whales ang mga orcas dahil sa kakayahan nitong mag hunt ng sama-sama. Sa katunayan, kaya nilang umatake sa mga mas malalaking whale species. Gayunpaman, wala pang insidente na umatake sila sa tao, at sa ilang bihirang okasyon ay tinutulungan pa ng orcas ang mga mangingisda.

“I sensed they weren’t there to attack. They swam around me, they swam really close and sometimes alongside me. We were probably only half a metre apart, so I was looking right into its eye. That was quite special because I felt I was looking into this huge beast. I don’t know if I was looking for anger, but it all felt quite calm and non-threatening.”

Ayon pa kay Judy, hindi rin daw naging aggressive sa kanya ang mga orcas. Bagkus ay sinabayan lamang siya nitong magswimming. Kulang sa isang metro lamang ang pagitan nila, ngunit ramdam daw ni Judy na walang balak ang mga orca na atakihin siya.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment