Sa panahon ngayon, hindi maipagkakailang maraming bata ang nangangailangan ng disiplina mula sa kanilang mga magulang. Kadalasan, sa sobrang pagiging abala ng mga magulang ay napapabayaan na nila ang mga bata. Kaya naman hindi nila namamalayan na napupunta na pala sa maling landas ang kanilang mga anak.
Habang bata pa lamang, ang kailangan nila ay gabay at atensyon mula sa kanilang mga magulang. Dahil kung hindi sila magagabayan sa tamang landas, maaaring masira ang kanilang kinabukasan. Kamakailan lang, maraming netizens ang nabahala sa larawan ng mga paslit na ito na nagviral sa social media.

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous
Usap-usapan ngayon sa Facebook ang nakakabahalang larawan ng mga batang estudyante na ito. Isang concerned netizen ang nag-video sa ginagawa ng mga batang ito. Makikita sa video na naninigarilyo ang mga paslit sa tabi ng kalsada. Ang isa sa kanila ay makikitang nakasuot pa ng school uniform.
Ayon sa Facebook post, ang video na ito ay nakunan malapit sa Bacood Elementary School. Ayon pa sa netizen, mukhang nabili ng mga paslit ang sigarilyo mula sa isang sari-sari store na malapit lamang sa school. Makikita rin sa video na mukhang sanay na sanay na ang mga bata sa paghithit ng sigarilyo, bagay na ikinabahala ng mga manonood.

Maraming netizens naman ang agad na napa-comment sa insidenteng ito. Ayon sa iba, dapat ay mas bantayan pang maigi ng mga magulang ang kanilang mga anak. Makikita rin sa video na mukhang batang-bata pa ang mga paslit, ngunit nasa kalsada na sila at walang magulang na nagbabantay.
Sa kasalukuyan ay ipinapatupad ang “Nationwide Smoking Ban” alinsunod sa Executive Order No. 26 na nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte. Kapag nahuli na naninigarilyo sa publiko, maaari kang pagmultahin o makulong.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment