Mukhang hindi pa natatapos ang kontrobersya na hinaharap ng vlogger couple na Jamille. Kamakailan lang, matapos ang kanilang isyu kay Dambie Tensuan at Nyca Bernardo, mayroon na namang nag-reklamo tungkol kay Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sa pagkakataong ito, isang grupo naman ng photographer at stylists ang dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo.
Sa programang “Wanted sa Radyo,” ibinahagi ni Omar Sali at Alehks Fusilero ang kanilang karanasan matapos indyanin ng Jamill.
Ayon kay Omar, nag-reach out sila kay Jayzam para makipag collaborate sa isang pictorial. At dahil kilala nila ito sa personal, laking tuwa naman nila matapos itong pumayag.

Read More: “Hindi kami nagnakaw”- Mga Babaeng Na-Bash Matapos Manlimas ng Isang Community Pantry, Nagsalita na!
Matagal na pinaghandaan ng grupo ni Alehks at Omar ang photoshoot na ito. Malaki rin ang ginastos nila para sa set, wardrobe, at make-up. Nag-renta pa ang grupo ng dalawang van mula Tatay, Rizal, papuntang Nueva Ecija, kung saan nakatira ang vlogger couple.
Ngunit laking dismaya daw nila nang hindi sila siputin ni Jayzam at Camille. Mahigit anim na oras naghihintay sa labas ng subdivision ang kanilang grupo, ngunit pinapatayan lamang sila ng cellphone ni Jayzam. Sinagot raw ito minsan ni Camille, at di umano’y pasigaw pa itong nagsabi sa kanila na hindi na tuloy ang shoot.


Sa kabilang banda, nag-public apology naman ang dalawa sa programa mismo ni Raffy Tulfo. Ayon kay Jayzam, noong panahong iyon ay nag-away na sila ni Camille matapos malaman nitong mayroon siyang ibang babae. Ito umano ang dahilan kung bakit nawala sa mood si Camille para sa kanilang photoshoot.
“Nagloloko na po ako noong time na iyon. Nadala na po si Camille sa galit sa akin. Ako po talaga ang may kasalanan. Sir Omar, Sir Alehks, humihingi po ako ng pasensya dahil nadamay po kayo. Nabigyan po kayo namin ng hassle dahil sa personal na problema na nangyayari po sa amin.”

Read More: Wais na Nanay, Nag-Viral Matapos Pagtripan ang Anak na Laging Nagse-Cellphone!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment