Sikat na Aktres Noon na si Janelle Manahan, Bakit Nga ba Na-Blacklisted sa Star Magic?

Hindi madali ang pumasok sa industriya ng showbiz. Bago ka sumikat, dadaan ka muna sa butas ng karayom dahil marami rin ang nagnanais na makapasok sa limelight. Ngunit maraming artista rin ang hindi pinalad sa kanilang career. Sa kabila ng kanilang sipag at determinasyon, mukhang hindi talaga para sa kanila ang showbiz.

Isa na sa kanila ay ang dating aktres na si Janelle Quintano Manahan. Naaalala mo pa ba siya? Isa si Janelle sa mga pinakatalentadong stars noon sa Kapamilya network. Gaya ng maraming nangangarap, nakapasok sa industriya ng showbiz si Janelle matapos sumali sa talent search program na “Star Circle National Teen Quest.”

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

Dahil sa kanyang angking talento at taglay na kagandahan, agad namang nabihag ni Janelle ang puso ng mga fans. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit kaliwa’t-kanan rin ang mga projects na natatanggap niya. Bumida rin siya sa mga programa gaya ng “Vietnam Rose,” “Mga Anghel na Walang Langit, “My Girl,” “Your Song: Everything You Do,” “Panday,” at iba pa.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, bigla na lamang nawala sa limelight si Janelle. Maraming fans ang talaga namang nagtaka dito, lalo pa’t hindi maikakaila na malaki ang potensyal ng young actress sa kanyang career. Ano nga ba ang dahilan ng pamamaalam nito sa showbiz?

Ayon kay Janelle, may kinalaman ito sa kanyang dating kinakasama noon na si Ramgen Revilla. Nagselos di umano ito dahil sa mga love teams ni Janelle. Kaya naman noong unang araw ng taping niya para sa programa, kinuha nito ang kanyang cellphone at hindi siya hinayaang umalis ng bahay.

“Tapos yung day one ng shoot, kinuha ni Ramgen yung phone ko. Pinatay niya. Ayaw niya kasi yung role ko dun, meron akong tatlong love team. Umiiyak ako, kasi sabi ko, ‘At least allow me to tell them na hindi na ako pupunta.'”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit naging blacklisted si Janelle sa Star Magic: “Wala. Nasa kuwarto ako. Kulong ako. Kulong mode ako for one week. Wala akong phone for one week. Dun nagalit sa akin ang Star Magic.”

Read More: Mga Batang Musmos sa Kalye, Walang Pambili ng Pagkain Ngunit May Pang-Yosi!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment