Para sa kahit kaninong babae, talagang nakakakilig makatanggap ng surprise mula sa iyong taong minamahal. Tuwing may espesyal na okasyon, nakakataba ng puso makatanggap ng simpleng regalo gaya na lamang ng cake o bulaklak. Ngunit paminsan-minsan, dahil sa mga regalong ito ay pwede lumabas ang tinatago mong sikreto!
Isang lalaki mula sa Malaysia ang nabuking dahil sa cake na iniregalo niya. Huling-huli sa akto ang pambababae nito matapos magpagawa ng limang cake na mayroong pare-parehas na mensahe.
Talagang naaliw ang mga staff ng isang bake shop sa Pandora Cake House, sa Sri Petaling, Kuala Lumpur dahil sa effort ng lalaking ito.

Read More: Janella at Markus, Ipinagtanggol si Baby Jude Mula sa mga Cyberbullying na Natatanggap Nito Online
Ayon sa mga staff ng bake shop, hindi raw ito ang unang beses na umorder sa kanila ang lalaki. Ilang beses na rin daw itong naging suki nila at umo-order ito ng pa-isa isang cake.
Noong una daw, isang cake para sa isang babae lamang ang ino-order nito. Kaya naman sa pagkakataong ito, nagtaka sila dahil limang cake ang ipinagawa nito.
May ilang pagkakataon rin daw na umorder ito ng tatlong cake na naka-dedicate para sa tatlong iba’t-ibang babae. Nasundan pa ito ng apat na cake, hanggang sa naging anim na! Saka lamang sila nagsuspetsa nang makitang pare-parehas ang mensahe na ipinapalagay ng lalaki sa mga cake.


Sa kanyang maikling message, tinawag ng lalaki na ‘baby’ ang recipient. Nag-sorry din ito dahil hindi niya sila makakasama dahil sa pandemic. “Dear Baby, due to the pandemic I can’t celebrate Valentine’s Day with you again. Hope our love will be as sweet as this cake.”
Dahil nag-viral na rin sa social media ang larawan ng mga cake, hindi na nakakapagtaka kung mabubuking ng mga babae na pinagsasabay sabay lamang sila ng lalaking ito!
Maraming netizens rin ang napahanga sa efforts ng lalaking ito, ngunit totoo ngang walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment