Mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan. Kaya naman kapag nakahanap ka ng taong tapat at mapagkakatiwalaan, wag mo na itong pakawalan. Ngunit nakakalungkot isipin na marmaing pagkakaibigan na ang nasira dahil lamang sa mga problema. Kagaya na lamang ng mga Pinoy celebrities na ito na nasira ang pagkakaibigan dahil lamang sa isyu.
Talagang nakakapanghinayang ang pagkakaibigan ng mga artistang ito. Dahil lamang sa mga kontrobersya, hindi na naibalik sa dati pa ang kanilang magandang pagsasama at nagkalamat na ang kanilang pagkakaibigan.
1. Maja Salvador at Kim Chiu

Matatandaang si Kim Chiu ang unang naging kapareha ng aktor na si Gerald Anderson. Ilang taon rin ang kanilang relasyon bago tuluyang nag-break ang Kimerald.
Matapos iyon, si Maja naman ang naging sunod na girlfriend ni Gerald. Matagal ring hindi nagpansinan ang dalawa, ngunit ngayon ay unti-unti na silang nagiging close muli.
Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic
2. Bea Alonzo at Shaina Magdayao

Iisa lamang ang handler ni Bea at Shaina, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit naging matalik na magkaibigan sila. Ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan matapos ma-link si Bea kay John Lloyd Cruz, na ex naman ni Shaina. Huling nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Four Sisters in a Wedding.”
3. Miles Ocampo at Kathryn Bernardo

Naging matalik na magkaibigan si Kathryn at Miles sa “Goin’ Bulilit.” Child stars pa lamang sila noong naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Ngunit dahil sa isang di matukoy na isyu, unti-unting nawala ang closeness ng dalawa.
“We may not have the same friendship that we had nung nasa ‘Goin’ Bulilit’ kami, but masasabi ko na ‘yung pagiging espesyal ni Kath sa akin at ‘yung pagmamahal ko para sa kanya ay nandoon pa rin,” pahayag ni Miles.
4. Julia Barretto at Janella Salvador

Isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Julia dati ay si Janella Salvador. Ngunit matapos ang hiwalayan ni Julia at Joshua Garcia, naging on-screen partner naman ni Joshua si Janella. Matapos nito, inunfollow ni Julia ang dalawa sa Instagram at dito na rin nasira ang pagkakaibigan nila ni Janella.
Read More: Janella at Markus, Ipinagtanggol si Baby Jude Mula sa mga Cyberbullying na Natatanggap Nito Online
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubilong mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment