Kutsinta Vendor, Ipinasilip ang mga Blessings na Natanggap ng Kanyang Pamilya Mula kay Ivana!

Naaalala niyo pa ba ang pulubi prank video ng social media influencer na si Ivana Alawi? Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 19 million views ang video na ito ng 23-anyos na vlogger! Sa kanyang video, nag-disguise si Ivana bilang isang pulubi. Humingi siya ng tulong sa mga tao sa kalsada, at sinuklian niya rin ang kabaitan na ipinakita nito sa kanya.

Isa sa mga natulungan ni Ivana ay ang isang kutsinta vendor. Kahit pa salat sa pera si Tatay Joselito, pinakain at pinagpahinga muna nito si “Inday,” ngunit hindi niya akalain na ito pa pala ang tutulong sa kanya! Talagang naantig si Ivana sa ipinakitang kabutihang loob ni Tatay Joselito.

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

Kaya naman nagdesisyon si Ivana na ibalik rin ang kabaitan nito. Binigyan ni Ivana ng P20,000 cash ang kutsinta vendor, at laking gulat naman nito nang ibuking ni Ivana ang kanyang totoong katauhan. Ngunit bukod pa dito, nangako rin si Ivana na dadagdagan niya pa ang tulong niya sa kutsinta vendor.

Ilang araw ang makalipas ay muling hinanap ni Ivana ang kutsinta vendor upang gantimpalaan ito. Sinamahan niya itong mag-grocery para sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Bukod pa dito, nagshopping rin sila ng mga brand new appliances para sa bahay ni Tatay Joselito!

Ngunit hindi pa dyan nagtatapos ang sorpresa ni Ivana para kay Tatay Joselito. Matapos niya itong ipag-shopping, binilihan pa ni Ivana ng brand new motorcycle si Tatay sa pag-asang makakatulong ito sa paghahanapbuhay niya. Sa kanyang video, ibinahagi rin ni Tatay Joselito ang mga blessings na natanggap niya mula sa vlogger.

Ayon kay Tatay, labis ang tuwa ng kanyang pamilya matapos matanggap ang mga regalo ni Ivana. Bilinihan sila nito ng brand new television, refrigerator, electric fan, motorcycle, at marami pang iba.

Labis labis rin ang pasasalamat ni Tatay kay Ivana, at ayon sa kanya ay malaking tulong ang regalo nito para sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Read Also: Buknoy Glamur, Haharap ng Patong-Patong na Kaso Dahil sa Mapanirang Statement Nito Kay Awra at Vice Ganda

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment