"Sobrang sarap, every night may swab test"- Alex, Ibinuking ang Intimate Moments Nila ni Mikee

Talagang napakabilis ng panahon! Parang kailan lamang ng ikasal ang celebrity couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. November 2020 nang ikasal ang dalawa sa isang private ceremony sa Gonzaga residence. Ilang buwan matapos ang kanilang kasal, kinamusta ni Dra. Vicki Belo si Alex sa kanilang bagong buhay mag-asawa.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na malapit na magkaibigan si Alex at ang celebrity doctor na si Dra. Belo. Kamakailan lang, ifineature ni Dra. Belo si Alex sa kanyang latest vlog. Sa kanilang kwentuhan, nag open up din si Alex tungkol sa intimate moments nila ng kanyang mister na si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Read More: Isang Guro sa Bulacan, Napagkakamalang Estudyante Dahil sa Kanyang Nakakamanghang Baby Face!

“Sobrang sarap makasal kasi every night may swab test. Ibang swab yung ginagawa namin. Pero talagang positive or negative, talagang the best siya! Hahaha!” Ito ang pabirong isinagot ng 33-anyos na host at aktres matapos kumustahin ni Dra. Belo ang kanilang buhay mag-asawa. Nag thumbs up pa ito tungkol sa kanilang intimate moments.

Ayon pa kay Alex, ngayong mag-asawa na sila ay hindi na siya masyadong nako-conscious sa kanyang sarili. Kahit tuwing gigising sila sa umaga, natutuwa raw si Alex na makitang tanggap siya ni Mikee kahit pa wala siyang ayos. Hindi raw ito katulad sa mga naging karelasyon ni Alex noon.

“Doc, alam mo ‘yan. Dati masyado kang conscious sa ibang lalaki. Pero pag talagang natagpuan mo yung lalaking para sa ‘yo, talagang wala. Hindi mo maiisip yung mga kaartehan mo, na conscious-conscious, wala. Si Mikee talaga, parang I’m home,” dagdag pa ni Alex.

Sa ngayon ay nakatira si Alex at Mikee sa tahanan nila Mommy Pinty at Bonoy. Ngunit pansamantala lamang ito, dahil kasalukuyan na ring ipinapagawa ng mag-asawa ang kanilang dream home. Dahil dito, pabalik balik rin si Mikee sa Lipa mula sa Cainta upang magampanan ang role niya bilang councilor.

Read More: Dream House ni Sarah at Matteo, Uumpisahan na! Silipin ang Napakagandang Location Dito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment