Babaeng May Pinakamahabang Kuko sa Buong Mundo, Ipinaputol na Ito Matapos ang 30 Years!

Karamihan sa atin ay nakaugalian nang maggupit ng kuko palagi. Bata pa lang tayo, tinuturuan na tayo ng ating magulang at guro kung paano panatilihing malinis ang ating sarili. Kaya naman ilang linggo pa lang ang lumipas na hindi ka nakakapag gupit ng kuko, paniguradong maaalibadbaran ka na. Ngunit alam niyo ba na mayroong record holder sa pinakamahabang kuko sa buong mundo?

Si Ayanna Williams mula sa Houston, Texas, ang record holder sa pagkakaroon ng pinakamahabang kuko sa buong mundo. Kinilala siya ng Guinness World Record matapos umabot ng mahigit sa 19 feet ang haba ng kanyang mga kuko! Simula noong 2017, siya na ang naka-break ng world record na ito.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Tatlong dekada rin niyang inalagaan ang kanyang mga kuko. Talagang nakakamangha ang kanyang dedikasyon! Sa loob ng panahong iyon, ingat na ingat si Ayanna upang hindi mabali ang kanyang mahabang kuko. Marami rin siyang bagay na hindi nagagawa, kagaya na lamang ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan, paglilinis, at iba pa.

Hindi rin madali ang pagme-maintain sa kanyang kuko. Dahil 19 feet ang haba nito, ilang oras rin ang ginugugol niya upang masiguradong malinis ito.

Ayon sa CNN report, humigit kumulang 20 hours ang inaabot upang matapos ang manicure ni Ayanna. Gumagamit rin siya ng 2 nail polish bottle para lamang sa kanyang mga kuko.

Taong 1990s pa nang huling magupitan ang kuko ni Ayanna. Ngunit nitong nakaraan lamang, nag desisyon siya na putulin na ito! Ipinaputol niya ito sa isang dermatology office sa Fort Worth, Texas. Ayon kay Ayanna, kahit pa hindi na sa kanya ang world record, ie-encourage niya pa rin ang mga susunod na magtatangkang sumungkit dito.

“With or without my nails, I will still be the queen. My nails don’t make me, I make my nails!” Sa kabilang banda, makikita pa rin sa isang museum ang kanyang mahabang kuko. Ayon sa Ripley’s Believe It or Not, ididisplay ni Ayanna ang kanyang kuko para magsilbing memorabilia.

Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment