Kamakailan lang, nagulantang ang mga netizens matapos malamang kasal na pala ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Matapos ang ilang taong relasyon, nauwi rin sa altar ang pagmamahalan ng dalawa! Sa kanilang vlog, ibinahagi ni Jessy na February sila ikinasal ni Luis sa isang romantic intimate wedding.
Maraming fans naman ang nagtataka kung bakit tila minadali ng celebrity couple ang kanilang kasal. Matatandaang June 2021 pa dapat ang nakatakdang church wedding ng dalawa.
May ibang fans rin ang nagsasabing maaaring buntis na si Jessy, kung kaya naman mas prefer ng dalawa na mapaaga ang kanilang pag-iisang dibdib. Ngunit pinabulaanan naman ito ng aktres.

Read More: Maxene Magalona, Nagsalita na Tungkol sa Matinding Pinagdaraanan Niya na Sanhi ng Kanyang Pagpayat
Sa kanilang interview sa Philippine Entertainment Portal, ibinahagi ni Jessy na biglaan lang talaga ang kanilang desisyon at maikling panahon lang ang kanilang mga preparations para sa kasal. Sa ngayon ay hindi pa nila nilinaw kung balak nilang ituloy ang kanilang church wedding.
“Biglaan lang ang decision namin. Supposedly dapat June ang full wedding pero nag-decide kami na i-move na lang ang full wedding sa December at mag-civil na lang muna ng February. Biglaan lang ang civil wedding because, honestly, nothing is certain, but we do not regret one single bit of our decision. Halos three weeks lang ang preparation namin.”
Sa kabilang banda, agad namang kumalat sa social media ang mga romantic na wedding photos ng dalawa.


Sa isang larawan, makikita ang emosyonal na si Luis habang pinagmamasdan sa aisle ang kanyang bride. Maraming netizens rin ang naantig dahil sa taos-pusong wedding vows nito para kay Jessy.
“I want to promise that I will love you each day that comes even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal. I will choose to love you. I promise to be your rock when you are weak, to put a smile on your face even on the darkest of days…”
Sa ngayon ay wala pa raw balak magkaroon ng baby ang dalawa at nais muna nilang i-enjoy ang kanilang bagong buhay bilang mag-asawa.


Read Also: Ivana Alawi, Handang Harapin ang Kaso Laban sa Kanya Matapos ang Kanyang Pulubi Prank
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa Facebook.
0 comments:
Post a Comment