"Never ako papayag maging kabit"- Isa Pang Babae na Pinopormahan ni Jon Gutierrez, Lumantad na!

Sa pagkalat ng isyu tungkol sa pambababae ni Jon Gutierrez, o mas kilala bilang King Bader, unti-unti na namang lumabas ang tunay na kulay nito. Kamakailan lang, binuking ng asawa ng Ex-Batallion member na si Jelai Andres ang di umano’y ginawang pambababae ni Jon sa pangalawang pagkakataon. July 2020 pa lamang ng ibahay nito ang isang Viva artist na nagngangalang Yumi Garcia, na ayon sa mga report ay 17-anyos pa lamang.

Ngunit bukod kay Yumi Garcia, alam niyo ba na marami pang babae ang lumantad tungkol sa ginawang pagdidiskarte sa kanila ni King Badger? Isa na sa kanila ay ang sikat na social media influencer na si Kath Mesina. Matapos pumutok ang isyu ni Yumi at Badger, nagpahayag si Kath sa Twitter tungkol sa pagdidiskarte sa kanya nito.

Read More: Matapos ang 10 Years na Paghihintay, Alice Dixson, Isang Proud na Mommy Na!

Ayon kay Kath, matagal na rin daw siyang mine-message ni Badger sa social media. Lagi rin daw itong nag-la-like ng kanyang mga photos. Ngunit noong mga panahong iyon, hindi niya ito pinapansin dahil alam niya na muling sinusuyo ni Badger ang kanyang asawa matapos ang isyu nito kay Toni Fowler.

“Matagal na rin pero eto kasi yung time na wini-win back na niya si Jelai, pero ayun never ako papayag maging kabit, kahit sino sa inyo, kapag may taken na lumandi, magsumbong agad kayo. Tayo tayo na lang magtulungan girls please! Wag niyo na antayin na mahuli pa kayo, wag simulan,” payo ni Kath sa mga kapwa niya babae sa social media.

Imbes na magpadala sa panunuyo ni Badger, ipinahatid ni Kath ang mga messages nito kay Jelai. Labis naman na nalungkot si Jelai, dahil umaasa itong noong mga panahong iyon ay may chance pang magbago ang kanyang asawa.

Sa kanilang conversation, makikita rin ang hinanakit ni Jelia matapos ibuking ni Kath ang mga message ni Badger.

“Kakahiya talaga yun. Pagdadasal ko na lang siya. Hindi na magbabago yun. Kahit kinasal kami wag na lang. Hawaan pa ko ng sakit nun kung kani kanino na lang. Oo kilala ko naman siya lalo pag ganyan depressed siya lalo siya magwawala. Madami yan tina-try kung sino game edi game,” sagot ni Jelai.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang humanga sa ginawa ni Kath na hindi pagpatol sa isang lalaking may asawa na. Umabot na rin sa libo-libo ang shares ng kanyang rebelasyon sa social media.

Read Also: China Roces, Sinorpresa ng Napakagwapong Manliligaw Niya! Ito na nga ba ang Kapalit ni Tim Sawyer?

Ano ang masasabi nmo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment