Naantala ang Date na Ito Matapos Itapon ng Waiter ang Inumin ng Babae! Ngunit Ito Pala ang Totoong Dahilan Niya

Sa panahon ngayon, maraming tao ang nananamantala ng kanilang kapwa. Hindi ka makakasigurado sa maitim na balak ng mga tao sa paligid mo. Minsan, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan natin, sila pa ang maaaring maglagay sa atin sa panganib. Mabuti na lamang at mayroon pa ring mga tao na tutulong sa atin tuwing nasa delikadong sitwasyon tayo.

Gaya na lamang ng nangyari sa isang babaeng ito. Muntik na siyang malagay sa panganib matapos niyang pagkatiwalaan ang lalaking ka-date niya. Sa isang video na kumakalat ngayon sa Facebook, makikita kung paano sinubukan ng lalaking ito na pagsamantalahan ang babae.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Ang video na ito ay hango mula sa CCTV footage ng isang restaurant. Sa simula ng video, makikitang kumakain ang isang lalaki at babaeng ito.

Mukhang palagay ang babae sa kanyang kasama, ngunit hindi niya inaasahan na may maiitim pala itong balak sa kanya! Kitang-kita sa CCTV ang ginawa nito.

Habang hindi nakatingin ang babae, naglagay ng isang tableta ang lalaki sa iniinom nito. Hindi naman ito napansin ng babae, dahil nakatalikod siya noong mga sandaling ito. Mabuti na lamang at matalas ang mata at pakiramdam ng waitress, at agad niyang ipinaalam sa kanyang kasamahan ang pangyayari.

Agad tinawag ng waitress ang isa niyang kasama, at ipinaalam dito na mayroong nilagay ang lalaki sa inumin ng babae. Agad naman silang umaksyon.

Nagkunwari ang waiter na di sinasadyang natapon niya ang inumin upang mapigilan ang babae sa pag inom dito. Noong mga sandaling iyon, tumawag na rin sila ng pulis sa restaurant.

Ilang sandali pa ang nakalipas, dumating ang pulis at agad na inaresto ang lalaki. Nagulat ang babae, ngunit nakahinga rin siya ng maluwag matapos malaman ang ginawang aksyon ng dalawang waiter. Kung hindi dahil sa kanilang aksyon, maaaring mapahamak ang babaeng ito.

Read Also: Jamill, Nag-Public Apology sa Harap Mismo ni Tulfo Matapos Ireklamo ng Inindyan Nilang Stylist!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment