Ayon nga sa kasabihan, “beauty is in the eye of the beholder.” Iba’t iba tayo ng depinisyon sa kagandahan. Para sa karamihan ng Pinoy, pinagbabasehan nila ang kaputian ng balat upang maituring na maganda o kaakit-akit ang isang tao. Ngunit kahit ano pa man ang iyong kulay, lahat ng tao ay mayroong tinataglay na kagandahan, gaya na lamang ng sikat na modelong ito.
Sanay na tayong makakita ng mga mapuputing model sa Hollywood. Ngunit alam niyo ba na marami ring colored women ang nasa industriya ng modeling? Isa na sa kanila si Anok Yai, na talaga namang nagpamangha sa mga fans sa buong mundo. Maraming tao ang namamangha sa angking ganda nito!


Read More: Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Napapaligiran na Pala Siya ng Killer Whales sa Dagat!
Si Anok Yai ay nagmula sa Southern Sudan. Sumikat siya dahil sa kanyang unique look na mas lalong pinalitaw ng kanyang napakagandang kulay.
Dahil dito, binansagan si Yai bilang “the world’s most beautiful woman and most expensive model.” Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit agad na umusbong ang career niya sa modelling.
Bukod sa kanyang nakakaakit na kagandahan, hindi rin maipagkakaila ang angking talento ni Yai. Hinahangaan siya ng marami dahil sa kanyang pagiging versatile na modelo. Kaya niyang rumampa sa fashion runway, mag-pose para sa isang high fashion shoot, at maging commercial model.


Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming brands at kumpanya ang nag-uunahan upang makuha si Yai. Ayon sa mga reports, pumapatak sa $15,000 ang kanyang talent fee sa loob lamang ng isang oras na pictorial! Sa kasalukuyan ay undersiya ng New York Top Modeling Agency, at isa sa mga spokesperson ng Estee Lauder.
Maraming netizens rin ang talagang nagandahan kay Yai! Bibihira na lamang makakita ng modelo ngayon na confident sa kanyang kulay. Silipin ang mga komento nila dito:
“Kung titigan mo ng mabuti ang kanyang mukha ang ganda talaga niya…,mapang akit ang mukha niya.”
“No definite colors can define a true beauty.”
“Mas maganda pa sya sa mga Artista sa atin.”
“Napakaganda Naman nya ganyang kulay tlga Sana eh Kaya Lang malabong mangyare.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment