Karamihan sa mga kabataan ngayon ay talaga namang nahihilig na sa gadgets. Pabata na ng pabata ang mga gumagamit ng smartphones at tablet. Dahil dito, hindi rin maiwasan na mapabayaan nila ang kanilang kalusugan dahil sa madalas na paglalaro sa cellphone o tablet. Maraming magulang ang namomroblema upang masolusyunan ito.
Isang wais na nanay ang nakaisip ng paraan para mapatigil ang anak niya sa paggamit ng cellphone. Napapansin raw nito na palaging cellphone na lamang ang hawak ng anak niyang lalaki. Hindi na rin ito nakakakain ng maayos, at maging ang pagtulog nito ay naiistorbo na dahil sa kakalaro sa cellphone.

Read More: Babae na ‘Doble Kara,’ Nilalayuan ng mga Ka-Chat Dahil sa Kanyang Kakaibang Mukha
Kaya naman umisip siya ng paraan upang matigil na ito! At dahil hindi na tumatalab ang sermon o palo, nag-isip ng kakaibang pakulo ang nanay na ito. Matapos matulog ang kanyang anak, nilagyan niya ito ng itim na eyeshadow sa mata na tila ba blackeye.
Pagkagising ng anak niya, laking gulat nito matapos makita na mayroon siyang blackeye! Ipinaliwanag naman ng nanay niya na tinubuan siya ng blackeye matapos gumamit ng cellphone sa magdamag. At mukhang effective naman ito, dahil simula noon ay hindi na raw hinawakan ng anak niya ang cellphone.


“This kid played on phone regularly. So his mother secretly applied a black eye shadow on both of his eyes while he was sleeping. After waking up and seeing his eyes in the mirror, the kid began to scream and cry. His mom reasoned it was because he played too much game on his phone. So don’t play like this again. Poor kid! He believed it!”
Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang post na ito. Maraming magulang rin ang nakakuha ng idea para subukan ito sa kanilang anak na mahilig ring gumamit ng mga gadgets.
Read Also: Misis ng Sundalo, Naging Emosyonal sa Nadiskubre Niya sa Laptop ng Kanyang Namayapang Asawa!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment