Ivana Alawi, Handang Harapin ang Kaso Laban sa Kanya Matapos ang Kanyang Pulubi Prank

Hanggang ngayon ay trending pa rin sa social media ang pulubi prank ng social media influencer na si Ivana Alawi. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 18 million views ang video na ito ni Ivana sa Youtube! Ngunit sa kabila ng mga taong natulungan ni Ivana sa kanyang harmless prank, ayon sa isang law expert ay maaari daw makasuhan ang dalaga dahil sa paglabag nito sa batas.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Atty. Libayan mula sa Youtube channel na “Batas Natin” ang posibleng nalabag ni Ivana.

Dahil sa kanyang “palimos prank,” malinaw na nilabag ng Youtube star ang Presidential Decree No. 1563 or Anti-Mendicancy Law. Ayon kay Atty. Libayan, ang batas na ito ay nagbabawal sa kahit sinoman na mamalimos o magbigay ng limos.

Read More: Matapos ang 10 Years na Paghihintay, Alice Dixson, Isang Proud na Mommy Na!

Ipinahayag rin ng lawyer na hindi masama ang pagtulong sa ating mga kapwa na nangangailangan. Gayunpaman, dapat ay ilagar ito sa lugar upang makasigurado na hindi tayo lumalabag sa batas.

Kamakailan lang, nag-komento naman si Ivana tungkol dito at sinabing hindi siya aatras kung mayroon mang mag-kaso sa kanya.

“Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan nalang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba? Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong sinaktan na tao. Masaya ako sa video and I would do it again.”

Nilinaw daw ni Ivana na bago niya muling kitain ang kutsinta vendor ay ipina-swab test niya muna ito. Dagdag pa ng Youtube star, kahit anong gawin niya ay laging may nasasabi ang mga bashers, kaya naman mas pipiliin niya na lang na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa upang makatulong sa ibang tao.

Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon, muli niyang gagawibn ang vlog na iyon upang marami pa siyang matulungan na nangangailangan.

“Hayaan na lang natin. Narealize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila. Right after ko nilabas ‘yung vlog na street prank, nagkita kami after two days. Pina-swab ko siya tapos nakapag-usap, nag-lunch.”

Read Also: China Roces, Sinorpresa ng Napakagwapong Manliligaw Niya! Ito na nga ba ang Kapalit ni Tim Sawyer?

Ano ang masasabi nmo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment