Maraming netizens ang nakapansin sa pagbabago sa katawan ng aktres na si Maxene Magalona. May mga fans na nagsasabing kapansin-pansin ang pagpayat ng 34-anyos na aktres. At sa kanyang nakaraang mensahe sa Instagram, ibinahagi ni Maxene ang kanyang matinding pinagdaraanan. Ito rin marahil ang dahilan sa biglaang pagbabago sa kanyang katawan.
“I’ve always wondered why it’s socially acceptable for people with physical illnesses to go to the hospital for treatment, while those with mental health conditions have to hide and pretend like they don’t have it?
I found myself under a lot of stress, dealing with bouts of anxiety and having episodes of rage. I was an adult having embarrassing tantrums, but I couldn’t really understand where all the anger was coming from.”


Read More: Matapos ang 10 Years na Paghihintay, Alice Dixson, Isang Proud na Mommy Na!
Ayon pa kay Maxene, dahil sa kanyang mga pinagdaraanan, dumating sa punto na madalas na rin siyang napapa-inom. Ngunit hindi ito nakatulong sa sitwasyon niya, at mas lalo lamang lumala ang kanyang mental health condition. Dahil dito, noong nakaraang taon ay napilitan na si Maxine na kumonsulta sa isang doktor.
Matapos ang ilang linggong consultation, na-diagnose si Maxene ng may complex post traumatic stress disorder o C-PTSD.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit lagi siyang nakakaranas ng paiba-ibang moods swings. Ayon sa mga eksperto, isa sa mga sanhi nito ay ang paulit-ulit na trauma na naranasan ng isang tao.


May payo rin si Maxene sa mga taong katulad niya na may mabigat na pinagdaraanan. Ayon sa aktres, wag mag dalawang isip na humingi ng tulong sa iyong mga mahal sa buhay upang mas mapagaan ang mabigat na dinadala mo.
“This was the reason why I was feeling helpless and had difficulty controlling my emotions. After we figured out what the problem was, I began taking the necessary steps to heal such as regular therapy, daily yoga, meditation and prayer. Remember that #youarenotyourmind and although thoughts can be overwhelming, trust that you have the power to heal your past traumas,” payo ng aktres.
Read Also: China Roces, Sinorpresa ng Napakagwapong Manliligaw Niya! Ito na nga ba ang Kapalit ni Tim Sawyer?

Ano ang masasabi nmo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment