"Di ko alam may girlfriend na siya"- Bea Alonzo, Ibinunyag na si John Lloyd Cruz ang Unang Heartbreak Niya

Isa sa mga pinakasikat na tambalan sa showbiz ay sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Sa loob ng ilang taon, marami na ring pinagsamahan si Bea at John Lloyd mapa-on screen o off screen pa man. Bumida na rin sila sa maraming blockbuster na pelikula dahil sa kanilang chemistry. Dahil dito, maraming fans ang nagtataka kung bakit hindi nagkaroon ng relasyon ang dalawa sa totoong buhay.

Sa kanyang nakaraang interview, nag-open up si Bea tungkol sa kanyang feelings kay John Lloyd. Aminado ang Kapamilya aktres na nagkaroon rin siya ng romantic feelings para sa co-actor niya dati. Ngunit hindi rin daw ito nagbunga, dahil noong mga panahong iyon ay may ibang girlfriend si John Lloyd.

Read More: VIDEO: Batang Lalaki, Emosyonal Habang Sinusubukang Iligtas ng Tuta sa Bingit ng Panganib!

“So from fan-ey ako ng ‘Tabing Ilog’ to we became a love team. At that time, it was that and then it has transitioned to syempre a crush, and then nagpapadala ka sa mga holding hands. First cinematic and real kiss ko siya and so parang ganon, and then of course he disappointed me. Hindi ko alam may girlfriend na pala siya.”

Ngunit kahit pa naging unang heartbreak niya si John Lloyd, thankful naman daw si Bea dahil dito na nagsimula ang pagkakaibigan nila. Ayon sa 33-anyos na aktres, isa si John Lloyd sa mga pinakamalapit na kaibigan niya sa showbiz. Hanggang ngayon daw ay itinuturing na nilang pamilya ang isa’t-isa.

At kahit hindi man sila nagkatuluyan, kuntento na raw si Bea at John Lloyd sa estado nila sa isa’t-isa. Sa katunayan, mas palagay sila sa isa’t-isa. Ibinahagi rin ng aktres na mas malalim na sa romantic feelings ang nararamdaman niya dito.

“Alam mo ‘yung ganito sya eh, ‘yung love nag-ta-transition siya into different forms. The love has always been there but I can’t tell you because I can’t speak for him. So I cannot tell you when it’s stronger or when it’s not. I can only speak for myself. Ngayon, feeling ko we’re at that point where, feeling ko, it goes beyond romance to me,” dagdag pa ni Bea.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment