Lalaking Nawalan ng Trabaho sa Gitna ng Pandemic, Nilalakad ang Kahabaan ng Commonwealth Ave. Upang Makahanap ng Mapapasukan!

Isang taon na rin ang nakalipas magmula nang magpatupad ng nationwide lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic. Sa kalagitnaan ng pandemya, milyon-milyong pamilyang Pilipino ang nahihirapan sa pang-araw araw nabuhay. Marami rin ang nawalan ng trabaho, kung kaya naman kanya-kanyang diskarte upang makaraos.

Dahil sa sunod sunod na lockdown, maraming kumpanya at businesses ang nagsara, kung kaya’t maraming nawalan ng trabaho. Hindi rin sapat ang ayuda na ibinigay ng gobyerno, lalong-lalo na sa mga pamilya na mayroong mga anak. Dahil dito, maraming Pilipino ang desperado na makahanap ng trabaho para sa kanilang pamilya.

Read also: Natural o Photoshop? Kilalanin ang Babaeng May Pinakamaliit na Bewang sa Buong Mundo!

Isa na sa kanila ay ang lalaking ito, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media. Maraming netizens ang naantig sa kwento ni Ronel Cimafranca, na nagsisilbing inspirasyon ngayon ng maraming tao.

Katulad ng karamihan sa mga Pilipino, nawalan rin ng trabaho si Ronel sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa report ng GMA Public Affairs, dating construction worker si Ronel, ngunit matagal nang nagsara ang pinapasukang construction company dahil sa pandemic.

Dahil dito, kinailangan ni Ronel na maghanap ng mapapasukang trabaho upang patuloy na kumita ng pera pangtustos sa kanilang pamilya.

Araw-araw ay nilalakad nito ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, habang dala dala ang kanyang resume. Desidido si Ronel na makahanap ng trabaho, kaya naman kahit walang baon o pamasahe ay masipag itong naglilibot. Nagbabakasakali siya na makakahanap ng maeekstrahang construction sites.

Ayon pa kay Ronel, nang mawalan siya ng trabaho ay napaalis rin sa tinitirahan nilang apartment ang kanyang pamilya. Dahil sa pinakita niyang kasipagan at katatagan, maraming netizens ang humanga kay Ronel.

Nagpaabot rin sila ng tulong na pinansyal sa pag-asang makakatulong ito sa pamilya niya upang makabangon.

Read also: Netizen, Sinupalpal si Ellen at Derek Matapos Di Umanong Bastusin si John Lloyd sa Harap Mismo ng Anak Nila!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment