Janella at Markus, Ipinagtanggol si Baby Jude Mula sa mga Panlalait na Natatanggap Nito Online

Bilang magulang, gagawin mo ang lahat para lamang maprotektahann ang iyong anak. Ipagtatanggol mo rin ito sa mga taong mapang-api at mapanghusga. Lalo pa ngayon, kung saan talamak ang bullying sa social media.

Kamakailan lang, naglabas ng sama ng loob ang aktor na si Markus Paterson sa social media dahil sa di umano’y ginagawang panglalait ng mga tao sa anak nila ni Janella Salvador.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng ipakilala ni Janella at Markus si Baby Jude sa publiko. At dahil proud first-time parents, lagi ring nagbahagi ang dalawa ng cute photos ni Baby Jude sa social media. Ngunit may mga netizens na nagkomento ng hindi magandang bagay tungkol kay Baby Jude.

Read More: Rica Peralejo, Sinagot ang Paratang na Unfair Siya sa mga Kasambahay Dahil sa Magkahiwalay Nilang Pagkain

“Let’s be honest. I’m no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you. People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and y’all making fun of a newborn. Not gonna erase the names, proud niyo eh,” pahayag ni Markus sa Twitter at Instagram, kung saan ipinost niya ang pangalan at screenshots ng mga netizens.

Kabilang na sa kanila si Gabriel Anunciacion, Jeric Corpuz, Kate Caro, Katrina Adubal, Ayumi Juviene, Nica Duque at iba pa. Maging si Janella ay hindi mapigilang magalit sa mga netizens na ito, na tahasang nilalait ang kanyang 6-month-old baby sa social media.

“I don’t want any more negativity on my page but I am in disbelief at how cruel people can really be. These were sent to us today as well. I just want you to know that I am prepared to do what is right by me and my son,” pahayag ng Kapamilya actress sa kanyang Twitter account.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang nag-komento tungkol sa isyung ito. Pinayuhan ng ibang fans sina Janella at Markus na turuan ng leksyon ang mga bashers na ito sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso dahil sa panlalait nila.

Read Also: “Milagro ang nangyari”- Doris Bigornia, sa Dialysis na Lang Ngayon Nakasalba ang Buhay

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment