Kamakailan lang, ipinagdiwang ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang ika-26 na kaarawan. April 26 nang mag-celebrate si Daniel para sa espesyal na araw na ito. Ngunit imbes na magkaroon ng bonggang party, mas pinili ng Kapamilya star na ibahagi ang mga blessings niya sa ibang tao sa pamamagitan ng community pantry sa Tacloban City.
Sa espesyal na araw na ito, maraming fans ang bumati kay DJ sa social media. Bago pa man sumapit ang kanyang special day, nag-uunahan na ang mga fans sa pagbati sa kanilang idol. Ngunit napansin naman ng ibang netizens na tila tahimik lang ang girlfriend at rumored fiance ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Tuwing birthday ni Daniel, kadalasan ay mayroong sweet na mensahe si Kathryn sa social media para sa kanyang boyfriend.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi binati ni Kathryn si DJ, kung kaya naman labis ang pagtataka ng mga fans. Mayroon nga bang hidwaan sa pagitan ng dalawa kaya hindi walang birthday greeting si DJ mula kay Kathryn?
Sa kanyang latest vlog, pinabulaanan ng star manager na si Ogie Diaz ang mga tsismis na ito. Ayon kay Ogie, madalas siyang nakakabasa ng ganitong klaseng tanong lalong-lalo na sa social media. Iginiit rin ni Ogie na walang alitan ang dalawa, at sadyang private lamang si Kathryn at Daniel sa kanilang relasyon.


Sa katunayan, nakasama pa raw ni Kathryn si Daniel sa espesyal na araw na ito. Ayon sa mga reports, nagdiwang sila ng simpleng salo-salo para sa 26th na birthday ni DJ. Sa kabilang banda, hindi naman nagpahuli sa pagbati ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada sa Instagram.
“Maraming maraming salamat sa aking mga Sangkay (kaibigan) sa Tacloban sa pang-organisa ng mga pagkakawang gawa. Ito ay buong puso nilang ginawa para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel. Mabuhay kayo aking mga kaibigan! Masayang maging bahagi ng paghatid tulong sa kapwa,” dagdag pa ni Karla.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment