Para sa mga babae, walang propesyon ang mas dakila pa sa pagiging ina. Karamihan sa atin ay nangangarap na magkaroon ng anak na ating aalagaan at mamahalin habang buhay. Isa na sa mga nangangarap magkaanak ay ang beteranang aktres na si Alice Dixson. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matagal na ring inaaasam ni Alice na magkaroon ng anak na mamahalin at aalagaan niya.
Ngunit sa kanyang edad na 51, mahihirapan na ang aktres na magbuntis pa. Sa kabila ng mga pagsubok, nakahanap naman si Alice ng paraan upang matupad ang matagal na niyang pinapangarap! Sa tulong ng surrogacy, sa wakas ay nagkaroon na rin ng anak si Alice at ang kanyang partner.


Read More: Suplada nga ba? Andi, Sinagot na ang Kumakalat na Rumor na Tumatanggi Siya Laging Magpa-Picture!
“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle. For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles.”
Ito ang pahayag ng excited mommy sa Instagram, kung saan nagbahagi siya ng larawan ng cute na baby feet. Hindi man ibinuking ng dating beauty queen ang gender ng baby, ngunit kinumpirma naman niya na naisilang na ito nitong nakaraan lamang.
“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived .”

Sa kabilang banda, November 2019 pa lamang ng ibahagi ni Alice ang plano nila ng kanyang asawa na magkaanak. Upang mas mapadali ang proseso, open rin daw sila sa surrogacy. Ang surrogacy ay isang process kung saan isang surrogate mother ang magdadala ng anak nila hanggang sa isilang ito.
“We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try. Sa akin it was never about the way I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy. I’ve tried previously and it didn’t work out.”
Read Also: 17-Anyos Viva Artist na si Yumi Garcia, Kumpirmadong Binabahay ni Jon Gutierrez!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment