Rica Peralejo, Sinagot ang Paratang na Unfair Siya sa mga Kasambahay Dahil sa Magkahiwalay Nilang Pagkain

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang vlog ng beteranang aktres na si Rica Peralejo. Sa kanyang vlog, napansin ng mga netizens ang di umano’y kakaibang pakikitungo ng aktres sa kanyang kasambahay. Isang netizen ang nadismaya at pumuna sa aktres dahil napansin nitong magkaiba ang kinakain ng pamilya ni Rica at ng mga kasambahay nito.

“Mula nung napanood ko isang vlog ni Rica na magkaiba kinakain nila at nakahiwalay ang pagkain ng kasama sa bahay, nadismaya talaga ako. Family daw ang trato susme! Miss Rica, tatlo naging kasama namin sa bahay pero I swear, mas masasarap pa pinapa-order o pagkain nila sa akin!”

Read More: “Friends lang”- Nakakakilig na Wedding Proposal ni Arci at JM, Isang Malaking Prank Lang Pala!

Agad namang nilinaw ng aktres ang isyung ito. Sa Instagram, nagbahagi si Rica ng mensahe para sa netizen na pumuna sa kanya.

Sa katunayan, personal choice mismo nila ang pagbubukod ng pagkain dahil ayaw nila ng brown rice na laging kinakain nila Rica. Bukod pa dito, nilecturan rin ni Rica ang netizen na wag maging judgmental sa kapwa nito dahil baka mapahiya ito pag nalaman ang katotohanan.

“Minsan aliw na aliw din ako sa mga nag-cocomment sakin kasi sila na mismo ang nagpapahiya sa mga sarili nila. At tumatagas ang kanilang kayabangan at pagka-judgmental na hindi nila namamalayan. FYI MADAM, kaya kami magkahiwalay ng pagkain is precisely because hindi niya type pagkain namin. Sa brown rice pa lang natawa na siya kasi gusto niya puti.”

Itinanggi ni Rica na may nagaganap na discrimination laban sa kanyang mga kasambahay. Ayon sa aktres, parang pamilya niya na rin ang kanilang mga helper at sila mismo ang gustong magbukod ng pagkain.

Sa kabilang banda, maging ang anak raw ng aktres ay mas gusto na rin ang pagkain ng kanilang mga helper dahil walang lasa ang healthy foods ni Rica.

“There was a time mas gusto ng anak ko pagkain ng helper namin kasi um-OA yata ako sa pa-healthy wala na lasa yung kinakain namin. Actually kakabili ko lang ng sarili niyang kanin. Puti na din.”

Ayon pa sa aktres, minsan rin daw ay guilty siya sa pagiging judgmental. Ngunit mas pinipili niyang maging fair para na rin sa kapakanan ng kapwa niya.

Read More: Jessy at Luis, Bakit Nga Ba Minadali ang Kasalan: May Baby na nga ba?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment